(18) • young love, tough love

475 13 0
                                    

(Jelai)
•••
           
Gusto kong matawa nang hindi magawang alisin ng magandang batang babae ang paningin niya sa mukha ko. Ang katabi naman niya ay napanganga ng bigla na lang akong lumitaw sa kung saan at kinausap silang dalawa.
           
"K-kamukha niyo po si Hero. Kayo po ang mama niya?" Maang nitong tanong. Naubo ako sa tanong niya sabay tingin sa salamin na nasa pader. Do I look like a mother already?
           
"Nanay agad, hindi ba puwedeng kapatid muna ang tanong, ganda?" I smiled at her. She is cute.
           
Hindi ako magtataka kung bibigyan man siya ni Hero ng isa mga wallet cards ko na may sweet na mensahe. Naiinis lang ako dahil hindi nagpaalam ang magaling kong kapatid na balak niya palang magpa-impress sa crush niya.
           
"Sorry po. Kamukhang kamukha niyo po kasi si Hero," she looked down. Mahiyain pala ang batang kaharap ko.
         
"Mukha po kayong twins. I know, right?" Hinampas pa ako ng bahagya sa balikat ng isang kasama siya. Mukhang masiyahin naman ito, kasalungat ng may hawak ng wallet card ko.
         
"Ate, I'm Dayana. Ito namang magandang ito sa tabi ko na muse ng lahat ng organizations at clubs sa school ay si Lois. We are like, happy to meet you po. Classmates po kami ni Hero," masayang dugtong ni Dayana.
         
Nagulat ako ng bigla siyang nakipagbeso at yumakap. Wala akong nagawa kung hindi ang gantihan ang yakap niya ng tapik sa balikat.
         
"I'm Jelai. Call me ate Jelai if you want. Anyway, puwede niyo ba akong dalhin kay Hero? Nagmamadali kasi ako. I still have work to attend to. May lahi kasing monster ang boss ko at kakainin ako ng buo kapag nahuli ako," I grinned. Iba na naman ang pumapasok sa utak ko.
         
Parang nakikita ko na ang mukha ni Kiefer kapag hindi ako nakarating sa Wood sa takdang oras. I find it weird though, because I like how he looks at me each time he gets mad over little things that I do.
           
I kinda miss him, too. Namimiss rin kaya niya ako? I bite my lip at that thought.
         
"Ay, ate Jelai. We could be like, you know, best of friends from now on. Let's go po. Nandoon po si Hero sa room namin kasama si Sir Owen. Ay, ako na lang ang sasama sa inyo. For sure, para na namang makahiya si Lois at titiklop bigla kapag nakita ang crush niya sa room. Hindi tiyak sasama iyan," sa sinabing iyon ni Dayana ay pinamulahan ng mukha si Lois at nahihiyang hinampas nito ang kaibigan.
         
"Crush mo ang kapatid ko?" Hindi ko maiwasang itanong. At the back of my mind, naisip ko na hindi na rin masama kung maging first girlfriend siya ni Hero. Maganda siya. Mukhang mabait. Mukhang hindi demanding.
         
I frowned a little. Bakit ko nga pala pinangungunahan ang future ng dalawang bata? Napailing ako.
           
"Secret, ate bestie. Tara po, let's go," napahagikgik na tumingin ng kakaiba si Dayana kay Lois at hinila na ang kamay ko papalabas ng comfort room upang dalhin ako kay Hero.
         
Tinapunan ko muli ng tingin si Lois. This time, she is looking at the wallet card that Hero gave her.
         
Hindi ako sigurado sa emosyon na nakita ko sa mga mata niya habag binabasa ang note, pero isa lang ang nahinuha ko, hindi si Hero ang gusto niya.
         
Nang marating namin ni Dayana ang harapan ng room ni Sir Owen Flores ay agad din siyang nagpaalam upang balikan si Lois na naiwan sa comfort room. Sigurado daw niyang hindi iyon aalis kung saan niya ito iniwan kaya obligado niya itong balikan.
           
I let out a nervous sigh before peeking at the small glass window at the center of the green steel door. Nakita ko ang malamlam na mga mata ni Hero na matamang nakatingin sa tao na nasa harapan niya. He could be talking to Sir Owen Flores.
         
Napansin ko din ang pagtango niya na tila iniintindi ang mga sinasabi ng kausap. Napalunok ako at kumatok.
         
Napalingon si Hero sa pintuan at nakita ang mukha ko sa glass window. Kumaway ako ng bahagya. His face lightens up at tumatango sa akin na tila tinatawag ako.
         
When I got inside the classroom, hindi ko mapigilan na mapanganga sa ganda ng loob nito. Ang daming gamit na puro may kinalaman sa pag-aaral ng mga bata. Sa isang sulok ay may mini-library na may dalawang shelves na puno ng aklat.
           
Sa bandang itaas naman ng mga pader malapit sa kisame ay mga print-out materials tungkol sa iba't-ibang major subjects. Napanganga rin ako sa ayos ng kuwarto. Bilang isang lalake, Sir Owen Flores is one hell of a creative teacher! Kudos to him.
           
"Ate? Naiwan mo ba ang dila mo sa bahay? Tinatanong ka ni Sir," untag ni Hero. Napapikit ako ng ilang beses at nakangiting tumingin sa guwapong guro.
           
"A-ano po iyong tanong niyo, Sir?" Natameme ako sa itsura ni Sir Owen. Naka-uniporme siya na kulay abo at itim na slacks pero tila isa siyang modelo na dumalo sa isang photo shoot at nag-costume.
           
He doesn't look like a teacher to me at all. He looks like a young Hollywood actor who just had to act out a scene as a teacher.
         
I was mesmerized with his brown eyes. Ipinilig ko ang ulo ko. Sa kabilang banda ay panay ang hingi ng tawad ng isip ko kay Kiefer.
         
"As I was saying Ms. Bermudez, your brother  was involved in a brawl earlier during our flag ceremony. I want to know if you noticed something different in him at home. He seemed to have a problem that he doesn't want to tell us," mahabang litanya ni Sir Owen Flores.
         
His English is fluent, halatang teacher nga. He knows what his craft is.
         
"A-ano po ang nangyari? What triggered him to be violent? Hindi naman siya ganyan sa bahay. Minsan talaga may pagkamakulit siya kaya nakakaasar na, pero hindi pa umabot sa puntong gusto niyang manakit ng kapwa," paliwanag ko sa kaniya sabay tingin kay Hero. Napatingin naman sa ibang direksiyon ang kapatid ko. Guilty.
         
Napabuntunghininga si Sir Owen. Nakaupo pa rin siya sa swivel chair at magkasalikop ang mga kamay na nasa bandang baba niya. He appears to be in deep thought.
         
"I can't give you an accurate answer to your inquiry, Ms. Bermudez---" I cut him off.
         
"Jelai na lang, Sir Owen," I smiled at him.
           
"Well, you might start calling me Owen as well. Nice meeting you, Jelai," he rose from where he seated and walked towards my direction and initiated for a hand shake.
         
Inabot ko naman ang palad niya. His hand is not as soft as Kiefer's, maybe because he is a teacher.
           
Kinapa ko ang dibdib ko. I sighed when I didn't feel any erratic heartbeat from it. Guwapo si Sir, and that ends my admiration with him.
           
Marami pa kaming pinag-usapan tungkol kay Hero. Owen told me a lot of positive things about my brother and how he was triggered by a senior who came up on their section and bullied some of his classmates.
           
Hindi ko alam na gusto pala maging superhero ng kapatid ko. Bago matapos ang pag-uusap namin ni Owen ay may bigla akong naalala. Kaya't paglabas ni Hero ay kinausap ko muna si Owen.
           
"May isa pa sana akong tanong, if you don't mind. May ipinagtanggol bang kaklase si Hero in particular when he got into a fight earlier? Hindi naman kasi basta napipikon iyon eh," nakita ko ang pagkunot ng noo niya. He snapped his fingers.
             
"Sinabi niya sa akin na inaasar daw ang kaklase niyang babae pero hindi niya sinabi ang pangalan. Umandar siguro ang pagiging gentleman ng bata kaya napaaway na. Don't worry, it won't affect his grades since it was unintentional. I would just observe his behavior for the succeeding days and get back to you for reference, okay?" mahabang litanya niya. I arched my eyebrows and think.
           
"It's a first time for Hero to live up to his name, ah. I mean, kahit sa village namin iniiwasan niya ang makipag-away kahit involve pa ang babae. Nagtataka lang ako. That classmate of his must be valuable to him," sabi ko sabay tawa. Natawa rin si Sir Owen.
           
"Exactly. Nagulat nga rin ako nung may nagsabi sa akin tungkol sa away. Good thing that Hero wasn't hit or anything. Isa pa naman sa active leaders ko ang batang iyon. Well, you can bring him home for now. Papasukin mo na lang bukas for his make-up classes. Salamat sa immediate support, Jelai," inabot niya ang kamay niya at tumango.
           
I did the same.
           
Nakipag-away si Hero para sa isang babae. Kung pag-uugnayin ko ang sinabi ni Dayana kanina habang nasa comfort room kami, mukhang isang tao lang ang ipinagtanggol ng kapatid ko and that is Lois. Ngumiti ako kay Sir Owen before he leads me outside the classroom.
           
Nakita ko na nakadungaw si Hero sa railings mula sa 2nd floor at nakatingin sa ibaba. Lumapit ako sa kaniya at ginusot ang buhok niya. Napalingon si Hero at pilit na binabawi ang ulo niya mula sa marahan kong pagsabunot.
         
"Ate, buhok ko," kunwa'y maktol ni Hero pero mababasa sa mga mata niya ang lungkot.
         
I want him to confess to me how he feels but I know I have to get his trust first. Hindi basta nagsasabi si Hero tungkol sa nararamdaman niya kaya ako nagugulat ngayon.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon