(25) • a pinch of lust won't hurt

166 3 0
                                    

(Jelai)
...
           
Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Berna habang pasakay sa tricycle. Pilit siyang ipinahahatid ni Tita Kathy subalit tinanggihan niya ito. I also persuaded her to stay for the night but she also refused. Mukha naman siyang mabait.
           
I wonder what went through Kiefer's mind for refusing to give Berna a chance. It's unlikely of him to reject people in an instant mostly if it concerns business. Napanguso na lang ako habang nakatingin pa rin kay Berna.
           
Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin namin ni Tita Kathy ay napangiti kaming parehas. We both know we've made a good decision. We've just helped a person surpassed the alarming rate of unemployment.
            
"Thank you for giving that poor girl a chance in life. You know, she's hardworking and diligent. Kahit ano ang ipagawa mo doon ay naniniwala akong magagawa niya ng maayos. I believe you can work things out for her in the office. Kiefer could be stubborn sometimes. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Ikaw lang naman ang kahinaan noon," she said as she held my hand while we walk back to the house. It's like she is giving me a full control of the situation.
             
"I'm sure Kiefer won't mind having her in the office, Tita Kathy. He knows a good employee when he sees one. Kaya kapag nakita niya si Berna na masipag at maayos magtrabaho, he'll put her in right away," puno ng pagkumbinsi kong turan sa mama ni Kiefer.
              
"That's good to know. Wait hija, I almost forgot my schedule for tonight. Pupunta nga pala ako kila Tita Lori mo. She's having a party strictly for matured women like yours truly. I'm certain you already met her since she's Quent's mother," tumawa siya ng mahina sabay kuha ng cellphone sa bag niya. She sounds in a hurry, though.
              
Mukhang balak niya talagang umalis at iwan ako kasama si Kiefer. Napanganga na lamang ako. Dalawa lang kami ni Kiefer ngayong gabi? My lips twitches a little and my mouth begins to dry.
              
"Would you mind staying for tonight? Kiefer doesn't sleep in this house without a company. Ewan ko ba sa lalaking iyon, he's already a grown-up man but when he sleeps here, he keeps sneaking into his mother's room like a fifth-grader. Dito ka na matulog, Jelai?" She asked, but with an affirmative tone.

Napalunok na lamang ako. I don't think she would accept 'no' as an answer for tonight.
              
"Tita, ano po eh, magpapaalam po muna ako sa bahay. B-baka po kasi hanapin ako ni nanay," pagsisinungaling ko.

Simula kasi ng maging engaged na kami ni Kiefer ay ibinigay na nila ang buong tiwala dito. Isa pa, hindi na raw kasi ako bumabata at alam ko na ang dapat kong ikilos.
               
"I had a feeling you would say that. Kaya ipinagpaalam na kita sa kanila kanina habang nasa opisina kayo ni Kiefer. They were kind enough to let us have you for tonight. Yung nanay mo ay nakakatuwa palang kausap. Magaling ding magluto. Nagpapaturo nga ako eh," she smiled.
               
Hindi na ako nagulat sa tinuran ni Tita Kathy. Natawa lang ako ng bahagya dahil sa laki ng pagkakaparehas nilang dalawa ng anak niya.

Hindi ko na siguro dapat pang tanungin kung kanino nagmana si Kiefer sa pagiging mapilit nito.
               
Hinawakan muli ni Tita Kathy ang kamay ko at ngumiti. Tumango na lamang ako bilang pagtugon.
                
"Ikaw na ang bahala sa anak ko hija. I'm sure he needs you tonight. He looks tired at naniniwala akong ikaw lamang ang makakapagpakalma ng isip niya. I'm not bluffing you, Jelai, totoo iyon. Only you have the power over my son's emotions. He is smitten by you," tinapik niya ako sa balikat at lumakad na papunta sa sasakyan na naghihintay sa kaniya sa labas.
                   
Kumaway na lamang ako kay tita Kathy at napabuntunghininga. Kaya ko ba na maiwan kasama ni Kiefer? Bakit parang kinakabahan ako? This is the first time we'd be alone in his place.

Hindi naman kami naiiwan na kaming dalawa lang ni Kiefer. Kadalasan ay kasama namin si Tita Kathy, at nagaganap iyon kapag nagyayaya si Tita na kumain kami sa kanila.
                  
Dinama ko ang tibok ng puso ko. Tila mas bumilis ang pintig nito. Napapikit ako. Parang gusto ko nang hilahin ang paa ko at lumabas na lamang.
                
"Kaya mo iyan, Jelai. You'll stay for the night. Isang gabi lang naman. Just sleep in the sofa," bulong ko sa sarili ko.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon