(Jelai)
•••Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero mabigat. My father just died. Hindi ko na alam kung kanino ako huhugot ng lakas ng loob. Sobrang dami ko pang pangarap kasama siya at ang buong pamilya namin.
The only thing that reminds me of my father was the necklace that he gave me on my last birthday. A heart-shaped necklace na may engraved letter ng first name niya.
Today was his last day. Almost one week na akong hindi pumapasok sa Woodbearings. Dumalaw na sa burol ni tatay sina Barbie at Kiko kasama ng ibang empleyado ng Wood.
I was also expecting for Clariz to come but she hasn't showed up yet. I texted Clariz to let her know that I need a friend right now.
It's been a week.
It has been a week since Sir Kiefer called my name and asked me to massage him.
It has been that long since he asked me to accompany him to Quent's house for dinner. Isang linggo na kaming hindi talo.
Binilang ko ang mga araw at apat na araw mula ngayon ay kaarawan na ng nanay ni Quent. Hindi ko pa ito nakikilala but I'm certain na masayahin din ito katulad ng dentista.
Bigla kong naalala ang mga mata ni Sir Kiefer.
His eyes that are filled with amusement most of the times and those intense gazes are haunting me in my dreams.
Naalala ko na naman na hindi nga pala kami talo. Hindi nga kami talo pero kaya kong gawin yon dahil mahal ko siya.
My phone rings, it's Clariz. Dali-dali ko itong sinagot.
"Cla, what took you over a week before ringing me? Kung kailan kailangan ko ng kaibigan dun naman kita hindi kita matagpuan," may halong paghihinampo sa boses ko. I heard soft sobs from Clariz.
"Sorry, girl. Biglaan kasi ang pagpunta ko dito sa Davao pero God knows how much I want to be there for you. Hindi ko na nga nasabi sayo at alam ko naman na brokenhearted ka na nga, malungkot ka pa because of what happened to tito. My deepest condolences to you girl. I can't believe wala na si tito. I just can't," humagulgol na siya.
Naging malapit na rin kasi sa pamilya si Clariz. Aside from being one of my closest friends, isa siya sa nagpapatawa kay tatay kapag dumadalaw siya sa bahay. Para ko na rin siyang kapatid.
"Alam mo ang hirap paniwalaan na wala na si tatay. When will I see you? Parang gusto ko na magwala dito. Nobody knows what I feel inside. Una, tinanggihan ako ni Sir Kiefer tapos ngayon nawala pa si tatay parang hindi ko na kakayanin. It's haunting me. Mas mabigat sa puso, mas masakit," mabigat sa kalooban kong turan.
I held back my tears. Hindi ko gustong umiyak ulit. Talaga yatang malakas ang tama ko kay Sir Kiefer at parang mas iniinda ko pa ang pagtanggi niya sa akin kaysa sa pagkawala ng tatay ko. I don't know what to feel anymore. Clariz gasped a little.
"Teka, hindi pa ba kayo nag-uusap, girl? Hindi pa siya nagpapakita sayo?" Parang may gulat pa sa boses niya.
I frowned.
Wala ako nakikitang dahilan para puntahan at kausapin ako ni Sir Kiefer. Not unless he's concern about me, but apparently he is not.
BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
RomansKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...