(19) • erratic heartbeat

446 10 0
                                    

(Jelai)
..

Tila nabingi ako sa narinig ko mula sa bibig ni Hero. Why on earth would he call for a name like Wella? Ilan ba ang probability ng pagkakaroon ng pangalang iyon sa isang lugar? I gasped for air.

Nakatingin ako sa pulutong ng tao na nasa paligid namin, hoping to see her. Inikot ng mata ko ang buong paligid at hinintay kung may lalapit kay Hero.

Napataas ang dalawang kilay ko ng may grupo ng kabataan na lumapit sa kaniya. Pulos teenagers at halos kasing-edad ni Hero ang mga kabataan.

Napakunot ang noo ko ng mapansin ang mga suot nila. They are wearing t-shirts that have 'Louisian Squad' printed on it. Nakasuot silang lahat ng Jagger pants. By the looks of them, mukhang kasali sila sa dance club ng school.

Binati nila si Hero at nakipag-apir pa sa una. Tuwang-tuwa na kinausap ni Hero ang mga dumating. Teka, nasaan kaya si Wella sa kanila?

Kung tinawag ni Hero ito na ate, malamang wala sa kanila si Wella. Malamang, senior na iyon o kaya isa sa mga ate ng kabataang ito.

I studied the three girls who are now talking lively to my brother.

Ang isa sa mga batang babae ay may biloy sa pisngi at hanggang balikat lang ang buhok. Mukang mas bata ito kay Hero dahil bukod sa maliit ito ay narinig kong tinawag nitong kuya ang kapatid ko.

Ang isa naman ay may katabaan subalit mukhang maligsi naman kumilos dahil nagsasayaw ito ngayon habang may nakapasak na earphones sa tenga. Napadako ang tingin ko sa isa pa nilang kasama.

The girl in the middle is the tallest among them. She has a nice physique at sa tuwing pipilantik ang kamay niya ay tila sumasabay ito sa hangin.

"Nasaan si Wella sa inyo?" Bigla kong untag. Naitikom ko ang bibig ko ng hindi oras.

Why the hell did I ask for Wella?

Halos sabay sabay na napatingin sa akin ang kabataan na kausap ni Hero, all have the same facial expression.

Lahat sila ay nagtataka kung bakit ko kilala si Wella. I put a serene smile on my face while waving my hand as a sign of hello.

"I'm Jelai, kapatid ni Hero," pagpapakilala ko.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanila. Hindi naman ako nabigo at malugod nilang pinaunlakan ang hand shake ko.

"Ate, wala si ate Wella sa kanila. Dumaan lang siya kanina, nakasakay sa single tapos kasama ng best friend ko. Bakit mo hinahanap si ate Wella? May utang ba siya sa iyo?" Maang na tanong ni Hero.

Napakamot ako sa pisngi ko at nag-isip ng maaari kong isagot. So, why am I looking for Wella? I barely know her.

Ngumiti ako kay Hero at sa mga kasama niya.

"I'm not looking for her. Im just curious kung sino sa kanila ang tinawag mo. Baka kasi siya ang crush mo tapos hindi ko man lang siya nakikilala," palusot ko.

Ikinamula ni Hero ang sinabi ko at dahilan naman iyon upang asarin siya ng mga kaklase niya.

"Ikaw talaga, ate. Ang lakas mong mang-asar. Hindi ko crush si ate Wella. Isa pa, galit sa mga boys iyon. Siyempre maliban sa boys na itinuturing niyang kapatid, katulad ko. So, paano Louisians? Aalis na kami ng tunay kong ate. Ang ganda niya, hindi ba?" Itinapat pa ni Hero ang palad sa ilalim ng baba ko, like he's proud of what he is saying.

Tumango naman ang mga kaklase niya at pumalakpak pa. Typical teenagers. I jerked his hands off and waved at his friends for a goodbye.

Sumakay na kami ng kotse. I would just bring Hero home and go to Wood afterwards. Patay na ako sa boyfriend ko kapag nagkita kami. Tiningnan ko ang relo ko at halos isa't kalahating oras na akong huli sa pagpasok.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon