(Jelai)
...Nakailang palo na rin si ate Aria sa braso niya upang paalisin ang mga lamok sa paligid. Hindi na kasi ako nagdalawang-isip na pumunta sa Woodbearings upang kausapin sana si Berna. Kaya't narito kami sa labas parang mga kawatan na nag-aabang ng bibiktimahin. At the back of my mind, I'm wondering why on earth I am doing this.
"Para naman tayong timang dito, sis. Umuwi na kaya tayo? I think we are just wasting our time waiting here. If you want to talk to Berna, why don't you do it properly?" Pabulong subalit naiinis na wika ni Ate Aria habang inuubos ang cup noodles na dala niya.
I raised my hand, motioning for her to stop talking and eating at the same time.
"Ate, iba ang gut feel ng isang babae. If she feels like there is something wrong, there must be something wrong. Iba ang pakiramdam ko eh. Ngayon lang naman ako magre-request sayo, tutal naman yung motif mo ang napili ko sa wedding namin ni Kief. Saglit lang to' promise," inilahad ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa.
Napapalatak na lang si ate Aria habang ako naman ay nagdidiwang ang kalooban. Ibig sabihin ay pumapayag na siya sa gusto ko. Habang naglalabasan ang ibang mga empleyado sa building ay nakasiksik kami sa gilid ng pader malapit sa parking lot kung saan kitang-kita ang front door ng Woodbearings.
Ilang minuto pa kaming naghintay ng makita ko na sa wakas si Berna. Nakasuot na siya ng casual skirt and blouse similar to the uniform I typically wear. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang paglakas ng kabog nito. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. She's prettier in uniform.
Hindi ko naramdaman na sinisiko na pala ako ni ate Aria. Katulad ko ay napanganga din siya pagkakita kay Berna.
"Is that the girl? In fairness, maganda siya ah. Bilugan ang mukha at mukhang anghel. Alam mo sis, dapat ka ngang magduda," pabiro niyang turan. Hindi ako kumibo.
Siniko niya akong muli. Hindi ko siya pinansin dahil ang mata ko ay nakatutok lamang kay Berna.
"Uy Anjeline, biro lang iyon ah. Maganda siya pero mas maganda ka. Siyempre ate mo ko kaya alam ko kung sino ang mas lamang. Just kidding. Sigurado ka na bang gusto mo siyang kausapin na ganyan ang itsura mo?" Pinasadahan ako ng tingin ni ate.
Napanguso ako at padaslog na sumandal sa pader. I know what she means, dahil sa pagmamadali namin ay hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit. Isa pa, I like what I am wearing. Komportable.
"Of course, ate. Gusto ko siyang kausapin. Pero hindi muna ngayon. It will be too obvious if I run my mouth based on my emotions. Titiktikan ko muna siya. What's taking Kiefer too long to get out? Bakit kaya nauna si Berna?" May halong pagtataka kong tanong.
"Malamang, Kiefer is the boss kaya huli siya. Sus, gusto mo ba magkasabay silang lumabas just to prove your gut feel is correct? Eto payong kapatid ah. Since I am older than you, sinabi ko na sa iyo ito dati... learn how to trust your man. Panghawakan mo yung mga salita na binibitawan niya sa iyo," tumatango pa si ate habang sinasabi iyon. Ibinaba niya ang hawak niyang cup noodles, ubos na.
"I know, pero masisisi mo ba ako ate? My boyfriend's a package deal. Guwapo, matalino, responsible, good kisser, good citizen. Nag-iingat lang ako, marami pa namang booby trap sa daan papunta sa forever namin," habang sinasabi ko iyon ay hindi mawaglit sa isip ko ang mga labi ni Kiefer. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Good kisser naman pala, eh ipaglaban natin iyan. Kaunti na lang ang natitirang good kisser sa earth, tara na, sugurin na natin iyang Berna na iyan," akmang aalis na si ate Aria sa pinagkukublihan namin ng hinila ko siya. Natatawang hinampas ko siya sa balikat. My face reddened with her teasing.

BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
RomantikKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...