(40) • Kiefer's POV • Meeting Her

135 1 0
                                    

(Kiefer)
•••

"Ma, I want to start this company where I get to develop games and similar applications like that. Trust me on this one. I won't fail you, I promise," habang nasa study room kami ay ungot ko kay mommy Katherine.

She's been having second thoughts about my plan. Ang layo nga naman kasi sa kurso ko na Architecture ang napili kong larangan na tatahakin.

Humarap sa akin si mommy at hinaplos ang braso ko. "I've always had faith in you, anak. But you need your papa's approval. Let's wait for him," di na nagsalita pa si mommy.

When it comes to decision-making, mostly if it concerns me, she makes it a point to consult my father. Hindi ko man palaging nakakasama si papa, hindi nagkukulang ng pagmamahal at pagpapaliwanag si mommy Katherine sa akin.

At the age of 24, hindi naman ako na-pressure sa kung ano ang gusto ng mga magulang ko. They have been supportive of me. Now I'm paying them back by aiming at a certain goal.

I want to be a game developer.

Nang tumunog na ang telepono para sa video call na inaasahan naming dalawa ni mommy, nasasabik niya itong sinagot.

Makikita ang katuwaan sa mukha ni mommy. Talagang nasasabik siyang makausap si papa. Natutuwang pinakinggan ko ang pag-uusap nila gamit ang Korean language.

I can speak the language, too, whenever I feel like using it. Minsan naman, kusa na lang itong lumalabas sa bibig ko.

Kapag nagagalit ako o natutuwa, doon madalas namumutawi sa bibig ko ang pagsasalita gamit ang ibang wika.

Mommy turned to look at me and signaled me to show my face in the camera. Tumango ako sa kanya at nagpakita na kay papa. I gave a side smile at him.

Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya. Kumaway siya sa akin at tumungo. I did the same.

"Are you planning to be a game developer, Kiefer?" Agad niyang tanong.

I nodded at him. "Papa, I'll strive to be the best in the gaming industry. You won't be disappointed in me," diretso ang tingin ko kay papa. Hindi ko na nakuha man lang ngumiti dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Like for real? The last time you asked for my permission, you wanted a restaurant. But before I funded your business, you backed out," sa pagkakataong ito ay nasa estado pa ng pagdududa si papa.

I pursed my lips and said nothing.

A year ago,  I asked for his permission to fund me for my restaurant business. Although being reluctant at first, he eventually agreed. But as I was about to venture into that business, I happened to enter a computer arcade.

Parang may bumubulong sa akin na pumasok na loob niyon, which I did. I began playing games. Hindi ko namalayan na maghapon na pala akong naglalaro. May mga detalye sa mga larong iyon na gusto kong baguhin.

Nagtagpuan ko na lamang ang sarili ko na nag-purchased ng computer gaming set at sa tulong ng iba kong kaibigan, nagamit ko ang pagiging efficient ko sa computer, idagdag pa ang pagiging passionate ko sa paglalaro, nakapag-design kami ng isang gaming application.

Now, I'm planning to expand. But I need funds for that.

"Papa, I'm serious about this. I'll be risking my time, effort, and energy for this. Pati na rin ang pangalan natin, itataya ko. I will not let you down," itinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang senyales ng panunumpa.

Tumango si papa at ipinorma ang mga kamay niya na hugis-puso. Katibayan na pumapayag na siya.

Masayang nagtapos ang pag-uusap naming tatlo. I glanced at my mother's face and saw fulfillment. Hindi ko ito nabanaagan ng tampo kahit hindi namin madalas kasama si papa.

Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon