(Jelai)
•••Nananakit na ang kaliwang bahagi ng leeg ko dahil sa pagtuon ng atensiyon ko sa labas. Simula ng sumakay ako sa kotse ni Kurt ay hindi ko pa siya tinatapunan ng tingin.
Sa kabilang bahagi ng utak ko ay naroon ang tampo kay Kiefer. Hindi siya ang sumundo sa akin and I can't wait to know why.
I jerked my thoughts off upon hearing Taylor Swift's song playing in the background.
Napakunot ang noo ko. Kurt is a Swiftie, too? I didn't voice out my query. Hindi ko namalayan na sumasabay na pala ako sa kanta.
"Taylor has a great voice, hasn't she? Paborito namin siya ng daddy ko eh. Actually, kaya ko siya naging paborito ay dahil talaga kay daddy. Feeling youngster kasi yung isa na iyon. I'm glad she didn't pick Miley as his favorite. I don't want to regret being his son kapag nakita ko siya na nag Wrecking Ball," sabi ni Kurt habang natatawa.
Buti na lang at hindi ko pa nakikita ang daddy niya kung hindi baka malinaw kong naiisip ang sinasabi niya.
"Anyone can adore Taylor. She's kind, bubbly and loves cats. Baka iyon ang isa sa mga nagustuhan ng daddy mo sa kaniya. Anyways, do you know where Kiefer is?" Hindi ko napigilang itanong.
"Perfect. You got it. Dad adores Olivia so much that he actually wanted me to purchase the same cat that Taylor has. About Kiefer, he had an emergency to attend to so he called me up early in the morning and requested me to fetch you. Who am I to refuse this great opportunity, right?" I sensed amusement in his voice.
Hindi ko alam kung may bahid ito ng pang-iinsulto pero wala rin akong balak alamin pa.
I smiled a little but didn't reply to his remarks. Kapag pumatol ako ay baka kung saan pa kami humantong. I'm still enjoying Taylor's song and if hearing her songs would make me forget my resentment for a while with Kiefer, I would definitely buy that.
Pumailanlang ang katahimikan sa pagitan namin ni Kurt. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagtapik niya sa manibela. He is enjoying the music. Mabuti naman at nang hindi na muna niya ako kausapin.
Nakahinga ako ng maluwag nang marating na namin ang venue kung saan gaganapin ang immersion kasabay ang launching ng bagong game na masusi pang pinag-aralan ng developers ng Woodbearing bago isakatuparan.
Naunang bumaba si Kurt. May hinala na ako sa susunod niyang gagawin kung kaya't bago pa niya mapagtagumpayan ang pagbuksan ako ng pintuan ay inunahan ko na siya. Napaatras siya ng bigla kong buksan ang pintuan ng kotse.
I feigned a small smile before I proceeded walking past him. Napansin ko na napakamot na lang siya ng pisngi. He might be thinking that I am a little sheepish than I was during our first meeting.
Nakonsensiya ako ng bahagya kung kaya bago ako pumasok sa loob ng open court ay lumingon ako upang magpasalamat sa kaniya.
Akmang bubuka na sana ang bibig ko upang tawagin siya nang bigla namang tumunog ang cellphone niya. I rolled my eyes in dismal habang nakatingin sa kaniya at hinihintay na matapos ang tawag.
I had the chance of studying his looks while he is on the phone. Nakapusod na ang halos hanggang balikat niyang buhok. Maayos din siyang manamit.
He wears a white polo and jeans with matching brown leather shoes, honestly, he looks intimidating, but not as intimidating as Kiefer who can swoon me over a pair of boxers only.
I was taken aback when I saw Kurt walked towards me. I arched my brows in wonder. Maganda ang bukas ng mukha niya habang nilalaro ang cellphone na kanina lamang ay gamit niya. How didn't I notice that he was done talking on the phone?
![](https://img.wattpad.com/cover/17662118-288-k678684.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Heartbreak (Beautiful Series 1) • COMPLETED ✔️
Любовные романыKiefer Park is like a storm that comes raging in, ready to ruin the best of her. Parang nasa mata ng bagyo si Jelai na maaaring mawasak anumang oras. ••• Ni sa panaginip ay hindi inaasahan ni Jelai na mapapansin siya ng hot magnate slash Greek god...