1

108 2 1
                                    

Masaya kong pinagmasdan ang bago kong papasukang paaralan.

Sa wakas!Grade 2 na ko!


Maganda ang paaralan na ito.Kaibang kaiba sa pinapasukan ko noong nakaraang taon.Dito may playground ang mga magaaral,doon wala.Dito mga nakasapatos lahat ng nag aaral.Samantalang kami dati naka tsinelas lang.

Ang swerte ko.



"Ano Gin?Tara na?Hahatid na kita sa classroom mo."napa tingala ako at tiningnan si Ate Renesmee.Nasa High school na si Ate Renesmee ngayong taon.Simula nang mawala samin sila Mama at Papa ay sya na ang tumayong mga magulang ko.Pero di naman namin kakayanin makapag aral kung kaming dalawa lang.Maraming salamat kay Tito Hulyo na tumutulong samin.Inilipat nya kami ng paaralan ng makita nya ang kalagayan namin sa pangangalaga ni Tita Angie.Mga kapatid sila ni Papa.Masasabi kong si Tito Hulyo ang pinaka mabait sa kapatid ni Papa dahil sya lang ang trinato kami ni Ate ng maganda.


"Oh hanggang dito na lang Gin,papasok na din ako.Bye!"sabi sakin ni Ate ng makarating kami sa classroom ko.


"Ate natatakot ako."sabi ko kay Ate sabay hawak sa kamay nya.


Ngumiti ito sakin at ginulo ang buhok ko.

"Okay lang yan Gin.Nahuli lang naman tayo ng pasok sa school na ito dahil kaka transfer lang natin."

Pangalawang linggo na kase ng klase ngayon at medyo nahirapan kami dahil sa mga papel na kaylangan para makapag transfer dito.

"P-pano pag di ko alam yung mga tanong?Kung bakit pa kasi nasa section one ako!"


"Gin naman,kaya ka nga section one kasi matalino ka.Malelate na ko.Mamaya na lang ha?Bye!"pag papaliwanag sakin ni Ate at umalis na.


Hinarap ko ang pintuan ng clasroom namin at nakita ang mga bago kong kaklase.Halos lahat ay may mga grupo na ng kaibigan.Yung iba naman dedma lang.Nag dradrawing,mga nakayuko.Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa loob.


Tinungo ko ang bakanteng upuan sa likod at duon napiling umupo.Pinagmasdan ko lang ang mga kaklase ko.Wala pang dumadating na teacher dahil maaga pa naman.


"Hi!"nakita ko ang isang babae sa harap ko na kumakaway at may nakapaskil na malaking ngiti sa mukha nya.


"Hello sayo Pre!Ako nga pala si Aqua!"singit ng isang batang lalaki at hinarangan ang naunang batang babae.

"Ahh...A-ako si Gin.Hello at Hi sa inyo."sagot ko at nginitian sila.


"Epal ka Aqua!Alis nga!"sabi nung batang babae kanina at tinulak yung Aqua.

"Gin pala pangalan mo!Hahaha!Ako pala si Hasley!Friends na tayo ah?!"sabi ng batang babae sakin.


"Tama!Simula ngayon!Friends na din tayo!"dugtong pa ni Aqua.

"Okay!"sagot ko sa dalawa at ngumiti.


Magkakatabi kaming tatlo sa likod at nasa gitna ako.Kwentuhan lang kami ng lwaentuhan dahil wala pa yung teacher.Tinanong nila kung ano ko yung kasama ko kanina nakita siguro nila na kasama ko si Ate kaya sinabi ko kapatid ko yon.Nakwento din ni Aqua at Hasley na may kakambal pala itong si Hasley na sa section 3.Namangha naman ako dahil maganda si Hasley at tiyak na maganda din ang kapatid nya.
Magkaibigan na pala si Hasley at Aqua simula nung Kinder sila kaya kahit di nila aminin ay close talaga sila.



Masiyahin at madaldal si Hasley.Si Aqua naman palabiro at makulit.Ang saya nilang dalawa kasama,palagay ko hindi sila mauubusan ng kwento.


DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon