10

16 1 0
                                    







Masaya ko.Well...hindi ko masasabing 100% kase nga nalaman namin na may sakit pala si Tito Hulyo.Plus yung fact pa na itinago nya yun samin ni Ate Renesmee para lang maalagaan nya kami.Sa bagay na yun mas lalo akong nalungkot.







Ayaw ko kasi na pinaglilihiman ako ng tao na mahal ko.Hindi naman sa possessive or ano pero gusto ko lang makasigurado,na walang problema kaya ka nagtatago ng sikreto.Kung meron man ay sana sabihin para sabay nating kakaharapin yun diba?






Hindi ko din maiwasan na isipin na isa kami ni Ate sa dahilan kung bakit lumala yung sakit nya.Pinayuhan na pala sya ng doktor nya na pumunta na sa Amerika para mas matutukan yung sakit nya pero...wala e.Kung kailan malala na tyaka sya umalis.Mabuti na lang at may kamag anak pa kami sa Amerika para naman may kasama sya at maalagaan sya doon.








Syempre nang malaman namin yun at ng iba naming kamag anak ay hindi na maiwasan na makarinig kami ng 'perwisyo talaga kayo' dahil kahit na may sakit si Tito kami pa din ang iniintindi nya.







Ngayon ay nasa ibang bansa na si Tito at ang sabi ni Ate Renesmee ay kasalukuyang ginagamot na ito.Sobrang lungkot namin ni Ate Renesmee at ngayon may sakit pa si Ate marahil dala ng pagod sa trabaho kasabay ng pag-aaral nya at dumating pa yung balita kay Tito Hulyo.







Nasa kwarto ako ni Ate Renesmee binabantayan ko ito.Mabuti na lang at nakatulog na sya dahil kagabi kase wala sya masyadong naitulog kakaisip kay Tito Hulyo.






Nakarinig ako nang katok kaya iniwan ko muna si Ate at pumunta sa pintuan para tingnan kung sino yung kumakatok.







"Oh!Ikaw pala Kuya Killua,pasok ka."sabi ko sa tao na kumakatok at pinagbuksan sya ng pinto para makapasok at sinara ko na din ng makatapak sya sa loob.







"Kamusta si Renesmee?"tanong nito sakin.






Pangatlong araw na sya pumupunta dito pero hindi sya nakakapasok kung nasaan nagpapahinga si Ate.Nung nakaraan kasi gising si Ate pero sinabihan nya ko na sa salas lang patuluyin si Killua.Hindi ko alam kung nag away sila o ano.







"Nakahiga pa din sya.Sundan mo ko."sagot ko dito at naglakad papunta sa kwarto ni Ate.






"Baka magalit si Renesmee."






"Hindi yan.Tulog si Ate."







Pumasok kami sa kwarto ni Ate at naupo ako sa isang monoblock at si Kuya Killua naman ay dahan dahan naupo sa kama ni Ate.








"Kuya labas muna ko saglit,dun lang ako sa kwarto ko."







"Teka bakit?"






"Bibigayn muna kita ng time para magdrama.Alam kong miss mo yang si Ate."






Sabi ko dito at tuluyan nang lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ko.








Dumating ang buwan ng kapaskuhan.Masaya ang lahat kahit na alam namin na malapit na din kami grumaduate.Dumagdag yung balita na bumubuti ang kalagayan ng Tito Hulyo at may regular na trabaho na si Ate ngayong naka pagtapos na sya.






Naging malapit kami lalo ni Grynald sa isa't isa.Nakilala na siya ni Ate Renesmee at sinabi ko nga na nililigawan ko sya.Ang sabi sakin ni Grynald ay naikwento nya na ako sa Mama at Papa nila ni Hasley okay lang naman daw ang mga ito.






DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon