19

8 1 0
                                    



"Ang sakit ng paa ko!"reklamo ni Kelly habang minamasahe ang paa nya.



Nag pra-practice na kami para sa nalalapit naming graduation.Nagkaroon ng 30 minutes break kaya eto nagsama sama kami nila Aqua sa Canteen.



"Pwede naman kasing mag rubber shoes na lang!"puna ni Riji.


"Hala!ang sagwa tingnan kung mag bibistida ako tapos rubber shoes!ang jologs kaya!"sagot naman ni Kelly.



"Mga babae talaga. Tss. "


Napangiti at iling na lang ako sa dalawang ito.Hanggang ngayon pa din yata ay di sila nag kakaayos.




"Kamusta ang paa mo?"tanong ko kay Grynald na kumakain ng cloud 9.



"Ayos naman.Medyo masakit lang pero naka medyas naman ako para di malala kung magpapaltos."sagot nito sakin.



"Dapat nagdala ka ng extra'ng tsinelas."


"Opo,meron po."nakangiting sagot nito.




Malapit na talaga kaming grumaduate.Ilang araw na lang tapos na.Magsisimula ulit kami,panibagong mundo nanaman yung papasukan namin.Mag kakaroon ng iba't ibang kaibigan.Masaya na nakakalungkot kasi mag kakahiwalay na kami ng barkada dahil hindi naman pare-parehong university ang papasukan namin.
Syempre,kita na yung possibility na bihira na lang kami magkita dahil busy sa pag-aaral.





"Gin,may nasasabi ba sayo si Grynald?"tanong ni Aqua sakin habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan.



Kakalabas lang namin ng mcdo ng tinanong nya yan.Bumili kami dahil pupunta kami kila Grynald ngayon dahil weekend naman.


"Nasabing ano?"tanong ko.




"T-tungkol sa college?"


"Umn...yung kurso lang na gusto nya tapos parang hindi nya yon makukuha kasi iba ang gusto ng Mama at Papa nya."sagot ko sa kanya at nakita kong tumango naman ito.




"A-ano pa?n-nasabi nya ba na may...na pwede sila lumipat ng bahay?"parang nag aalinlangan pa si Aqua nung sinasabi nya yon.Nagtataka ko dahil bakit sya nag tatanong sakin ng ganyang bagay.



"Wala naman.Bakit?"



"W-wala lang!T-tara na!Punta na tayo kila Hasley!"sagot nito sakin at naunang maglakad.





Tatlong araw na lang bago ang graduation!Kinakabahan ako!Tuwang tuwa si Ate Renesmee at Kuya Killua dahil nalaman nila na Valedictorian ako ng batch namin!Kung nandito lang si Tito Hulyo tiyak na matutuwa yon.Ang Salutatorian naman namin ay si Benjamine Morales.Ang alam ko Dapat graduate na sya pero nag stop yata sya ng pag aaral dahil nagkasakit sya kaya kami ang nakasabay nya.


Nag desisyon ako na pumunta sa mall kasama si Kuya Killua at Ate Renesmee,manonood yata ng sine ang dalawa kaya sumabay ako.Bibilhan ko ng regalo si Grynald para sa graduation.Syempre si Aqua at Hasley din kahit simple lang basta may present ako para sa kanila.


Naglalakad ako sa Mall at tumitingin tingin ng pwedeng iregalo sa kanila.Hindi naman kalakihan ang pera ko pero kasya na siguro to.May ilan akong pinasukang store na mukhang nakaka engganyo pero di rin ako naka bili.Hanggang sa nakita ko ang isang store na parang gumagawa ng mga personalize items.Nakakita ako ng mug,tumblrs,t-shirt at kung ano ano pang personalize items na pwedeng bilin.Magaganda ang mga ito.Hanggang sa naisipan kong personalize na mug at ballpen na lang para kay Hasley at Aqua.Pinalagay ko ang pangalan nila sa mug at nilagay ko pa ang date kung kelan naging sila.Para sa ballpen naman pumili na lang ako ng isang figure ng lalaki at babae at idinikit iyon sa dalawang ballpen.Pag pinaglapit mo yung ballpen ay mag hoholding hands yung dalawang figure.Sinabi ko na babalikan ko na lang tutal ay ginagawa pa.Bibili naman ako ng para kay Grynald.




DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon