18

14 0 0
                                    





"Walang kaba Gin!Kaya mo yan!"sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Grynald kasama sila Hasley.





Ang ganda ni Grynald.Katulad ng palagi kong sinasabi ay napaka simple lamang nito ngunit maganda.Kulay puti at may halong black and gray ang gown nya na pa tube ang ukit sa itaas.May suot din syang kwintas at hikaw,ang buhok nya ay nakataas ngunit may mga ilang hibla ng buhok ang naiwan na bumagay lalo sa kanya.Simple lang ang make up nya.Mas lalo syang nag mukhang matangkad ngayon sa suot nya.




Naglakad ako patungo sa kanya at nakuha ko agad ang atensyon nila kaya napatigil sila sa pag uusap.
Rinig ko ang mga kantyaw na binitawan ni Hasley at panunukso ni Harold saming dalawa.Malisyosong tingin naman ang iginawad nila Kelly samin.
Ngumiti si Grynald sakin.Yung ngiti nya na alam kong sakin nya lang binibigay.Ngumiti din ako pabalik sa kanya at naglahad ng kamay nang makalapit na ako ng husto sa kanya.




"Sasayaw agad kayo?"tanong ni Harold.


"Wag excited mga bessy!"katyaw ni Kelly samin.




"Di ba pwedeng mag solo time muna?"natatawang sagot ko at naglakad na palayo kasama si Grynald.





Naglakad kami papunta sa isang bakanteng table at naupo sa monoblock na may mga telang balutan.



"Pogi naman ng date ko ngayon!"pambabasag sa tahimik ni Grynald sa pagitan naming dalawa.




"Ngayon lang?Nung nag dedate naman tayo pogi din ako ah!"



"Hahaha!Iba yung ngayon kasi mas mukha kang tao!"natatawang sabi nito.



"Baluga ka!"



"Aww!Date mo ko baka nalilimutan mo?Pasalamat ka may compliment ka agad na natanggap!"



"Edi salamat!Thank you Grynald!Eto pupuriin din kita!Ang ganda ganda mo!"



"Sus!Parang di naman totoo!"



"Grynald,Seryoso.Ang...ganda mo.B-bagay sayo."





Alam ko.Ang awkward ng hangin na namamagitan samin ni Grynald.Pero sabi nga nila,kung walang awkward moment di kumpleto yung recipe mg moment nyo diba?






Nung may nakita na kaming nagsasayaw ay niyaya ko na din magsayaw si Grynald.Nung una ay medyo nahihiya sya pero sinabi ko madami namang tao at sayang yung pagkakataon.Actually kahit naman wala nang tao na sumasayaw ay talagang handa akong yayain sya makasayaw lang.





Siguro masyadong simple at walang thrill yung kwento ko.Yung kwento namin.Siguro masyadong normal para sa ibang storya.Na masyadong madali para sa iba.Walang dumadating na problema.Walang dumadating na isang kontrabida para pag layuin at sirain kaming dalawa.Marahil masyadong clichè at di ganon karomansa.Pero iyon naman talaga yung natural hindi ba?Yung gusto natin na mapayapa at tahimik na buhay lang.Yung simple.Walang panira sa trip.Yung masaya lang?Siguro kung may darating man na problema?Maaayos at maayos namin.Sisiguraduhin na magiging okay kami.Yung sure kami na sa paglubog ng araw ay maaayos namin kung ano man ang nasira.Yung araw araw pa din kaming ngingiti.Magagawa pa din naming titigan ang isa't isa.






"Gin,may tatanong ako."sabi ni Grynald habang nagsasayaw kami.





"Ano yun?"tanong ko.




"B-bakit di mo pa ko tinatanong kung pwede na?"




"Pwede na ano?"




DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon