20

18 0 0
                                    





Umuwi akong mabigat ang pakiramdam.Tulog na si Ate Renesmee.Mabuti na iyon.Kaysa malaman nya ang nangyari.




Binuksan ko ang album na ginawa ko para kay Grynald.Punong puno ng mga larawan nya na kuha ko ang mga ito.Mga stolen shots na nag papakita kung gaano sya kaganda at kasimple bilang si Grynald.





Alam kong wala pa ko sa tamang edad para masabing nasaktan ako dahil sa pag-ibig.Pero ang nararamdaman ko ngayon?Masakit.Parang bawat galaw ko,may parte sakin ang nawawala.





Tatlong araw na ang lumilipas mula nung graduation ay tuwing gabi ay bumabalik kami ni Aqua sa bahay nila Grynald.Minsan tuwing hapon dun kami sa labas ng bahay nila naka tambay.Hinihintay namin kung babalik o dadaan man lang sila.Nag babakasakali na sana may naiwan silang gamit para balikan nila.





Ako kaya Grynald?Naiwan mo ko.Babalikan mo ba ko?





Naglabas ako ng isang buntong hininga.Naka sakay ako sa bike ko habang kumakain kami ni Aqua ng ice cream.Kahit gabi na at medyo may kalamigan ay nag ice cream pa din kami.Nakakagaan ng pakiramdam ang ice cream.



"Grabe.Alam mo Gin?Medyo matagal na din tong sinabi sakin ni Hasley.Pero di ko akalain na mangyayari."basag sa katahimikan ni Aqua.




"Ang alin?Itong pag alis nila?"



"Oo.Akala ko kasi kung aalis man sila,baka dyan lang sa susunod na bayan ang bahay nila.Di nya naman sinabi na ganto,kaya nag expect ako na pwede pa kami."



"So,matagal nya na sinabi to sayo?Bakit di mo sinabi sakin?"




"Sabi kasi ni Hasley wag ko kayo pakielaman ni Grynald."




"Hays!Naniwala ka naman!gago ka talaga no?"



"Ulol!edi pag sinabi ko nabatukan ako ni Hasley."




Walang araw na pinalampas namin ni Aqua ang pag bisita sa bahay nila Grynald.Umaasa kami na babalik sila.Na pag nakita ko si Grynald,mag papaliwanag sya.



Nalalakad ako papunta sa bahay nila Grynald mga pasado alas-otso na ng gabi nang mapag kasunduan namin ni Aqua na pumunta.Naging busy din kasi kaming dalawa sa pag hahanap ng college na papasukan.



Medyo humahamog pero okay lang.Si Grynald naman ang pupuntahan ko.Medyo nakakainis at naiinip na ko sa ganitong set up.Nakakapagod din pala mag hinatay.




Gaya ng mga nakaraan nakita ko si Aqua na nakaupo sa bike nya.Nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano.Maya maya ay uuwi na din kami.Si Ate Renesmee alam nya na wala na sila Grynald dito.Tinanong nya kung kamusta ko ang sabi ko,okay naman ako.Ewan kung naniwala sya.Si Aqua,naging malungkot.Tipong ako lang yung kinakausap nya.Sabi nya nawalan sya ng isang best friend at si Hasley yon.Ang alam ko wala na silang communications ni Hasley at mukhang wala na sila.Medyo pumayat nga si Aqua.





Hapon na at wala pa si Aqua dito sa tapat ng bahay nila Grynald.Ang sabi nya sakin kagabi mag kikita kami,pero hanggang ngayon wala pa sya.Medyo naiinip na nga ako,mabuti at dala ko yung EarPods ko.Nakatanggap ako ng text galing kay Aqua ang sabi nya masama ang pakiramdam nya at ngayon nya lang nabasa ang mga text ko.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon