15

13 0 0
                                    




Dumaan ang mga araw,linggo hanggang sa nagkaroon na ulit ng pasok.Masaya kaming lahat nung natapos yung bakasyon although bitin,pero okay na din kase last year na naman namin 'to.




Kanya kanyang kwentuhan yung naganap sa classroom,maiksing kamustahan sa ibang classmate kung anong nangyare sa bakasyon nila.Yung iba ang sabi nag punta sila sa boracay kasama yung barakada.Yung iba nag tagaytay kasama ang pamilya.Yung iba naman gaya ko lang na nasa bahay.Wala naman masama kung ispend mo yung bakasyon mo sa bahay mo diba?Sa wala kang budget para mag boracay or pumunta kung saan.Syempre di mawawala dyan yung mga bigay nilang souvenir galing sa bakasyon grade nila.




Nakatanggap ako ng pitong Keychain.Yung iba nakalagay yung mga pangalan ng lugar na pinuntahan nila.Bagio na binigay ni Wendy tyaka isang bonet.Boracay galing kay Riji.Tyaka yung iba pa.Inisan nga na mga rich kid sila.Tinawanan na lang nila kami.






Yung mga teachers naman hindi agad naka pag start ng class.Siguro mag sisimula to mga 3 days after.Kasi kakapasok pa lang,feel din siguro nila na nakakapanibago mag lesson agad.






Kami naman ni Grynald magkasama pa din.Actually halos araw-araw yata kami magkasama simula nung new year hanggang ngayong 2nd week na ng January.Hindi ako nag sasawa.Mas gusto ko nga sya kasama lagi.Kahit na minsan paulit ulit lang yung napag uusapan namin gaya nang paborito naming banda.Yung Paramore kaya nya daw gusto yun kasi ang gaganda nung message ng kanta ang sagot ko naman dahil ang ganda ni Hayley Williams.Yung Kamikazee kasi halos lahat ng kanta nila sumikat kaya ang iconic na nung pangalan ng Kamikazee,parang hindi ka Pinoy kung ni-isa wala kang alam na kanta mula sa kanila.Yung paborito naming mga cartoons gaya nila Sponge bob at Patrick pati si Fin at Jake sa adventure time.Tapos may anime pa na palabas syang nakwento na paborito nya then saktong paborito ko din yon!Naalala ko grade 2 ako nung pinalabas yun sa isang network tapos grade 2 din sya non!Yamato Nadeshiko pangalan nung palabas na yun.Ang sabi nya sakin gusto daw nya gayahin dati yung style ng kwarto ni Sunako Nakahara kaso wala daw syang pera pambili ng mga skeleton figure gaya nung kay Sunako.Gusto daw nya maka tuluyan ni Sunako ay si Kyohei kasi ang gwapo daw at walang ka arte arte sa katawan.Hindi daw gaya ni Ranmaru na madaming babae napaka fuckboi daw.Para lang kaming bumabalik sa pagkabata pag ganyan yung usapan namin.Bihira kami mag usap ng mga seryosong bagay.Ewan.





Maybe iniiwasan lang talaga namin?Na ayaw namin masira yung moment na masaya at magaan lang.Kase sa mundo ngayon na napaka daming problema,mas pipiliin mo na lang yung pagiging maharot at maligalig minsan kaysa magpaka emo.Parang kahit minsan,gusto mo muna iset-aside yung mga problema para makahinga ka.





Sa panliligaw kay Grynald?Maayos naman.Yung mga kaklase at kaibigan namin tinatanong kung bakit hindi pa nagiging kami e matagal tagal na naman daw simula nung manligaw ako.Ang totoo minsan naitatanong ko din yan sa sarili ko.Na bakit hindi ko pa tanungin si Grynald na kung pwede ko na sya maging girlfriend tapos hindi ko din naman nasasagot yung tanong ko.Ewan ko din kung bakit.Alam ko naman kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya and somehow I feel na,pareho yung nararamdaman namain para sa isa't isa.






"Sa wakas!Natuto na din akong mag gitara!"masayang sabi ni Grynald habang inaayos yung pwesto ng gitara sa kanya.




"Kitams?Magaling ka kase tyaka pogi yung nagturo sayo."sabi ko dito at umupo sa tabi nya.




"Umn...okay?Nako,kung hindi lang ikaw yung nagturo sakin hindi ako papayag dyan sa sinasabi mo."natatawang sagot nito sakin.



"Aba!Kahit na!Pogi ako no!"



"At kelan ka pa naging ganyan ka confident sa sarili mo ha?"



"Kapag kasama ka."


DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon