13

8 0 0
                                    






Maaga akong nagpagising kay Ate Renesmee dahil ngayon ang araw ng swimming naming magkakaklase.Nagpag usapan namin na kanya-kanya nang dala ng pagkain dahil hindi na namin maaasikaso na mag ambagan pa at magkita kita.Inayos ko yung mga damit na dadalhin ko mag Oover night na din kasi kami dun sa resort ng tito ng kaklase namin na si Lance.





Nagdala ako ng damit pang swimming,pang tulog at pang uwi kinabukasan at pagkain.Napag kasunduan ng klase na magkita kita na lang sa school at mayroon nang van na susundo samin ang alam ko ay dalawang van iyon.Isa kila Wendy at yung isa kila Lance.






Pumunta ako sa school na nadatnan na marami nang nandon.Sila Aqua at Riji nandon na pero sila Hasley at Grynald wala pa.Nakipag kwentuhan muna ako sa kanila at may mga dumating pang iba kasama sila Hasley at Grynald.Nung nandito na lahat ay sumakay na kami sa Van puwesto ako sa likod at katabi ko si Grynald.Ang sabi samin ni Kuya Pilo yung driver ng van na sinasakyan namin ay malayo layo pa daw ang byahe.






Kinuha ko sa bag ko yung EarPods at cellphone ko at ibinigay kay Grynald.Napangiti ito at kinuha,inilagay nya yung isang piece sa tenga nya at ganon din sakin.Nag hanap lang din sya ng mga kanta.Napuno ng kantyawan at tawanan ang van na sinasakyan namin.Apat kaming nasa likod ako sa may bintana,si Grynald,si Harold at Kelly.Sa harap namin ay si Aqua,Hasley,Lance,Pauwii,Asi,Dino,Hralp at King.






"What day is it?
And in what month coz the clock never seem so alive..."






"Ang senti."sabi ko kay Grynald.




"Wala na kong mapiling kanta."






"Inaantok ka?"





"Slight."






Dahil di sya inaantok binaling ko na lang yung tingin ko sa bintana.
Hindi pa kami ganon nakakalayo.




"I can't give up and I can't back down I've been loosing so much time..."






Tama.Hindi naman talaga ko susuko.Siguro nga masyado na matagal?Na pwede ko naman sya tanungin kung pwede ko na ba sya maging girlfriend.Pero kahit gaano pa katagal,kaya ko.Kaya kong mag hintay.Masaya naman kami.Masaya naman kami sa isa't isa.







"Coz it's you and me and all of the people with nothing to do,nothing to loose...And it's you and me all of the people and I don't know why I can't keep my eyes over you..."







Natapos ang tatlong kanta ay nilingon ko si Grynald,tulog na ito at nawala na ang hagikgikan sa sasakyan.Dahandahan kong ibinaling ang ulo nya sa balikat ko nang sa ganon ay dito na lang sya umunan.Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa kamay ni Grynald at kinumutan ko sya gamit ang jacket ko.







Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.Tumingin ako sa tabi ko at hindi ko na nakita si Grynald doon.Ako at si Harold na lang ang nandito at tulog din si Harold.





"Gising Harold!"sigaw ko dito at bumaba sa Van dala ang gamit ko kasunod ko si Harold.








"Oh!Gising na pala kayo!Tara dalin nyo muna gamit nyo dun sa kwarto natin!"sinalubong kami ni Lance at sinabi samin na nasa pool na sila Aqua.





Sa isang kwarto mag kakasama kami nila Harold,Aqua,Riji,Lance,Rico,King at Pauwii.Bale ang alam ko ay apat na kwarto ang na okupa namin.






DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon