2

29 1 0
                                    




Dumating ang unang pasukan ng High School.Mag kaklase parin kaming apat nila Aqua.Nasa Section one ulit kami.Talagang kinakabahan ako sa pagpasok ko dito.Iba na kasi ito sa elementary.Iba't ibang uri na nang tao ang makakasalamuha namin.May nakita din akong mga schoolmate ko sa school na ito.



Mag kakatabi kami sa upuan non.Ako sa dulo at si Grynald sa kabilang dulo at nasa gitna namin parehas si Aqua at Hasley.Nilibot ko ang tingin sa buong klase namin mukhang ang tatalino ng mga classmate namin.Nanliliit ako para sa sarili ko.




Dumating ang adviser namin si Mrs.Martin at nag pakilala isa isa sa harap.Nag class election of officers.Si Hasley ang naging Muse ng section namin at nagpagupit pala ito ng buhok hanggang balikat at syempre bilang supportado ko ang kaibigan na si Aqua ay ininominee ko sya bilang Escort may naging kalaban sya pero sya pa din ang nanalo.Tuwang tuwa pa ang loko at sumenyas sakin na ililibre nya ko mamaya.Hindi ko alam kung may nakakapansin na magkakambal si Hasley at Grynald,tahimik lang si Grynald the usual.




Makikipag palit sana ako ng upuan kay Hasley non nang marinig ko ang pangalan ko.




"I respectfully nominated Gin Orpheus Santos for president."napalingon ako sa pinanggagalingan nung boses.




Nakita ko ang isang babaeng nakatayo at maiksi ang buhok na ngumiti sakin.Hindi ko sya kilala.




"Sorry tol.Kanina nya pa tinatanong pangalan mo sakin."sabi ni Aqua at nag peace sign.



Narinig kong tinawag ng teacher namin ang pangalan ko at pinapunta ako sa harap kasama ang iba pang ninominee na president.






Sa huli.Nanalo akong president.Hindi naman sa ayaw ko pero parang may mas deserving pa sakin.Baka di ko magampanan ang posisyon na ito.




Kinabukasan inayos ni Mrs.Martin ang seating arrangement namin.Aqua Dela Torre medyo bandang unahan si Aqua dahil sa surname naka base ang pag aayos.Si Hasley Mary Agustino nasa unahan din,Si Grynald Agustino dapat nasa bandang unahan din ang kaso matangkad kasi sya kaya nasa gitna sya at ako sa bandang huli.
Alternate ang naging seating arrangement lalaki at babae.





Naging okay naman ang 1st quarter ng High School.Bilang 1st year high school pa lang at bago sa campus di rin maiwasan na mapag tripan ng senior.




Pauwi na kami nila Aqua kasama ang iba naming kaklaseng lalaki.Mas nauna sila Grynald samin dahil sinundo sila ng kuya nila.Naging ka close na din namin yung iba kaya masaya talaga.



Nakalabas na kami ng gate nang biglang may nangbato sa isa naming kaklase.Si Rico pala.Mas matangkad at malaki ako sa kanya kaya nasaktan talaga sya dahil bandang noo sya natamaan.Mabuti at medyo maliit ang bato pero nagdugo yung ulo nya.Tinulungan namin sya at nakita namin ang grupo ng mga senior na papalapit samin.




Malalaki ang mga ito kumpara samin.Kahit 5 lang sila at 8 kami siguradong alam na ang kakalabasan.Karamihan pa naman samin ay payat.



"Hoy!RICO!ANO!LABAN!"sabi ng isa sa mga senior at sinuntok si Rico na inaalalayan ni Aqua at ng isa naming kaklase.Nakaramdam pa lalo ako ng kaba ng bigla may sumuntok na din sakin.Sa huli.Naawat din ng dumating ang guard ng school pero lahat kami ay nakatikim ng mga suntok.Di man lang namin nagawang makalaban sa mga iyon.



DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon