16

11 1 0
                                    




"Sleepover tayo dito Guys!"sabi ni Aqua samin.



Actually pauwi na nga kami dahil medyo dumidilim na din.Kaso bigla syang nag aya.Yung iba nag agree na mag sleepover pero ako at sila Grynald ay mag papaalam pa.Yung ibang classmates namin uuwi din para kumuha ng damit,biglaan kasi.




Pumunta ako sa bahay namin at wala na don sila Ate Renesmee nag text ako sa kanya na may sleepover nga kami kila Aqua at nag reply naman ito na okay lang basta mag ingat.Kumuha ako ng damit pangtulog at isang damit na pamalit para bukas paguwi,toothbrush tyaka mga undergarments.Nilagay ko sa bag at ready na umalis pero kumain na ako sa bahay ng hapunan dahil gusto ko yung niluto ni Ate Renesmee.





Nakarating ako sa bahay nila Aqua at nakasabay ko pa si Mery na may dala ding bag.Pag pasok namin ay nandoon na sa salas sila Grynald mga naka bihis pantulog na ang mga ito at mga nanonood ng TV habang may mga chichirya sa coffed table don.Nagpasama si Mery kay Grynald sa banyo para daw makapag palit na sya ng damit at sinabi ko na pagtapos na sila ay ako naman.Akala ko kung ano yung pinapanood nila kanina nung pagdating ko yun pala ay balita.Sabi ni Riji mag momovie marathon daw kami pero pagtapos pa ng balita.




Nagpalit ako ng isang sando na medyo may kaluwagan na kulay gray at basketball shorts na kulay  black.Pumunta na ako sa salas at dinaluhan ang mga kaibigan ko.May nag pe-play na ding movie at tumabi ako kay Grynald na nakaupo sa baba ng sofa,mabuti na lang at may carpet at hindi malamig.





"Ano yan?"tanong ko kay Grynald.



"Warm bodies yung title."sagot nya.



"Ah!Parang pamilyar yung zombie."sagot ko.




Parang nakita ko na kasi yung zombie na yan sa isa pang movie,parang sya yung bida sa Jack the giant slayer.




"Sya yung bida sa Jack the giant slayer."sagot nito sakin.



"Sabi na e!"




"Pogi nya!"rinig kong tili ni Hasley at napatingin ako sa kanya.



"Sus!Pogi ba yan?Eh ang putla nga!"sabi ni Aqua.



"Gago ba u?Kaya nga sya maputla kasi zombie sya."sagot ni Harold.





"Diba Grynald pogi sya?Crush yan ni Grynald!ilang beses mo na ba napanood yan?"sabi ni Hasley.





Napatingin ako kay Grynald at nakangiti itong nanonood ng TV.




"Madaming beses na."sagot nito.




"Siya yung pinaka hot na zombie na nakilala ko!"tili ni Harold.




"Tama!Pogi ni Nicholas Hoult!"pagsang ayon ni Grynald.




Hindi na ako nakapag salita.Nanood na lamang din ako.Maganda yung movie,talagang masasabi mo na pinaghandaan kasi sa set pa lang bongga na.Airport yung setting tapos yung zombie na bida ay naka tira sa isang abandonadong eroplano.Napa tawa nga ako nung nag play ng music yung zombie.Hanggang sa na meet nya na yung siguro bidang babae.Kasama nya yung mga tropa nyang zombies na mang hunting ng pagkain at napunta sila sa isang lugar,nandon yung magkakaibigan na human tapos inatake nila.Syempre may mga baril yung mga tao at isa dun yung anak ng general na bidang babae.Maganda yung bidang babae akala ko ng si Kristen Stewart dahil malaki ang pagkakahawig nila.



"Oh!Huhuhu!Si Dave Franco my loves!Chinugi ni Baby Z!"sabi ni Harold habang nanonood.



Pinatay kasi nung bidang zombie yung boyfriend nung bidang babae na si Dave Franco.



DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon