14

8 0 0
                                    










Maaga kaming ginising ni Lance ang sabi nito ay maaga kami uuwi.May emergency daw kasi sa bahay nila kaya pumayag kami.Kagabi mga 2am na kami nakabalik ng kwarto.Paghiga ko sa kama ay nakatulog agad ako.Sobrang pagod at inaantok na din kasi ako.







Sa byahe wala din kaming ibang ginawa kundi ang matulog dahil nga maaga nanggising si Lance.Good thing na medyo may kalayuan yung byahe may time talaga na maka tulog.






Sa school ulit kami ibinaba ng van.Tapos non kanya kanya na.Syempre kaming apat nila Aqua yung magkakasama nag punta kami sa bayan para kumain sa Mcdo dahil 11:30 na at gutom na kami.Hindi kasi kami nakakain sa byahe dahil wala nang pagkain.







Sinabi ko kay Grynald na ako na magbabayad ng pagkain nya pero ayaw nya kaya sabi ko ibibili ko na lang sya ng ice cream mamaya.









Matapos kumain ay sumakay na kami ng jeep pauwi.Hindi na nagpahatid si Grynald dahil alam nyang pagod din daw ako kaya silang dalawa na lang ni Hasley yung uuwi.







Pagkauwi ko wala doon si Ate.May note akong nakuha na naka dikit sa ref ang sabi nya ay pumasok na sya sa trabaho at may pagkain sa ref iinit ko na lang.Pumunta na agad ako sa kwarto ko at nilapag yung bag sa baba.Agad akong humiga sa kama at pinikit ang mga mata.







Malapit na mag new year.







Napadilat ako.Si Grynald agad yung naisip ko.Gusto ko syang bigyan ng regalo sa New Year dahil nong Christmas ay wala akong present sa kanya.Ano kaya ang magugustuhan nya?Kwintas?Damit?Sapatos?parang may pera ka naman Gin para bilin yon!






Oo nga.Wala akong pera.Yung pera ko naman naubos na dahil sa swimming na to.Mamaya magtatanong ako kay Ate kung saan ako pwede makapag trabaho.









"Gin,gising!"narinig ko ang boses ni Ate at naramdaman ko ang marahan nitong pagtapik sa balikat ko.






"Natutulog ka,hindi mo man lang nahubad yung sapatos mo."agad akong bumangon at inalis ang sapatos.








"Ate,saan ba ko pwede makapag trabaho?"naalala ko yung gusto kong itanong kanina.






"Gin?ilang beses naba natin to napagus--"





"Ate alam ko.Malapit na mag New Year,gusto ko lang mabigyan ng regalo si Grynald."





"Bibigyan na lang k-"





"Ate naman,ayoko nang ganyan.Nanliligaw ako tapos sayo ko iaasa?"






"Utang ka muna sakin."






"Nye!Ikaw nga nag papabaon sakin e!Ayoko ate!"







"Siguro sa coffee shop na pinapasukan ko date?Kaso 16 ka pa lang Gin e."






"Sige na nga kalimutan mo na Ate."





"Hindi mo na itutuloy?"





"Maghahanap na lang ako sa iba."






"Bahala ka na.Basta ba hindi ka dyan mahihirapan ha?"






"Ate,walang trabahong hindi mahirap."






"Basta!Dapat hindi ka magkakasakit dahil dyan ah!"






DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon