12

6 0 0
                                    








Christmas break na ibig sabihin pahinga na at malapit na talaga ang pasko.Nakakapanibago nga dahil pag ganitong panahon ay kasama lagi namin ni Ate si Tito Hulyo pero ngayon nga na wala sya.






Napa buntong hininga ako dahil don.Dalawa nanaman kami ni Ate.Hindi naman sa hindi ko sya gusto makasama o hindi ako kuntento na sya lang ang kasama ko.Ang sakin lang,sana sa susunod na pasko o kahit sa anong okasyon ay may makasama na kami.Madagdagan yung pamilya.







Nung nawalan na ng pasok ang last na pagkikita namin ni Grynald ay nung December 20 at ngayon 24 na ngayon at di pa din kami nag kikita.Nung nakaraan naman nung pumunta ko sa kanila ay wala sila.Nag send ako ng message sa kanya at sinabi nya na pumunta pala silang pamilya doon sa Tita nya at alam ko ngayon ang balik nila.








"Gin,ininvite ko si Killua dito sa bahay natin at pumayag naman sya pero nalaman ko na nandon pala sa bahay nya sila Tita Ariel kaya sabi ko pwede namang tayo na lang ang pumunta,okay lang ba?"






Nasa salas kami ngayon ni Ate Renesmee at nag hihintay ako ng reply galing kay Grynald.








"Ate pwede ikaw na lang?"






"Gin naman,gusto ko nandon ka.Tyaka si Killua gusto ka din nya makasama,diba sabi mo mag papaturo ka lumangoy?Pumayag na si Killua."






"Okay.Sama ko Ate."







Gusto ko pa sana sabihin na pwedeng sya na lang pero mali yon.Dalawa na nga lang kami ni Ate tapos di pa ko sasama sa kanya.Gusto ko kasi abangan si Grynald para makita ko sya.








5 pm nung umalis kami ni Ate papunta kila Kuya Killua.Pinag dala nya ko ng damit namin tyaka yung niluto nyang menudo.





Malaki at maganda ang bahay ni Kuya Killua.Ibang iba ito noong una akong nakapunta dito.Dati ay parang walang kabuhay buhay ngayon ay may mga dekorasyon at maliwanag na.








Sinalubong kami ni Kuya Killua at dinala kami sa salas at kinuha naman nya yung menudo at dinala sa kitchen pagkaraan ay binalikan nya kami.Nag kwentuhan lang kami at nag hihintay pa din ako ng reply galing kay Grynald.Nag send din ako ng random text sa ibang kaklase ko at bumati ng Merry Christmas in advance dahil kinabukasan ay expired na yung load ko.








"Gin tara!Swimming tayo!"pagyaya sakin ni Kuya Killua.Tumango naman ako at itinuro nya sakin ang isang banyo para makapag palit ng damit.






Tinuruan ako ni Ate Renesmee at Kuya Killua lumangoy.Una natatakot ako pero tinutulungan ako nila Ate.Masaya at nakakapagod pero at least ay natuto na ako kahit paano.Masaya akong nakikitang masaya si Ate.Pakiramdam ko bata ulit ako.Parang dati lang na hinahatid nya ko sa room ko nung elementary ako.







Hindi namin napansin na lumipas na ang oras at 8:30 na pala kaya umahon na kami at naglinis.Kumain kami kasama si Tita Ariel at anak nito.Masaya ako dahil tanggap nila ang estado namin ni Ate.Hindi mapag kakaila na malayo ang estado ng buhay namin ni Ate kay Kuya Killua at hindi na bago ito sa pandinig ng mga tao.Kinakatakot ko lang ay iyong makarinig ako sa ibang tao ng masama laban kay Ate dahil tiyak na masasaktan ito at ayokong mangyare yon.Kahit alam kong hindi papabayaan ni Kuya si Ate Renesmee ay hindi pa din ako makampante ng ganon na lang.







Dinala ako ni Kuya Killua at Ate Renesmee sa isang kwarto para don matulog si Ate Renesmee dapat dito din matutulog pero sabi ko okay lang na kung si Kuya Killua ang katabi nya.Nabatukan tuloy ako ni Ate pero sa huli sila ang magkasama.










DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon