11

5 0 0
                                    






Matapos ng performance namin ay pumunta na agad kami sa classroom dala ang mga props.Nakapag palit na din kami ng damit dahil free na ang mga banyo.Pinabalik kami ng advicer namin sa ground para manood pa sa ibang section kaya iyon.Tambay at nanonood.Palakpak dito tawa dyan ang nangyare.






Matapos ang palabas ay bumalik na kami sa room.Tulong tulong sa paghahanda ng mga pagkain at syempre binigyan din namin yung ilang mga subject teachers namin.Magkakasabay kaming lahat kumain.Matapos non ay sinimulan na nila yung mga parlor games.





Unang games yung tinawag nilang  'idikit mo' kuno.Kung saan pagdidikitin nung mag partner yung mga body parts na sasabihin.Nakita kong nagpartner agad si Aqua at Hasley,Si Riji at Kelly pero si Harold gusto kapartner itong si Riji pero ang ending naging partner ni Harold si Mery na may crush sa kanya.Tumingin ako kay Grynald at nahuli ko itong nakatingin din sakin.Nilapitan ko ito at tinanong kung may kapartner na sya nung una ayaw nyang sumali pero pinilit nila Hasley kaya kami ang magkasama sa ending.







Mag kasama kami sa ending.








Napangiti ako sa thought na yon.








Na okay lang dumating yung ending basta kami yung magkasama.











"Oh bat naka ngisi ka?"tanong ni Grynald bigla.






"W-wala."sagot ko.








Naalala ko nanaman yung sayaw nila ni Riji.Gusto ko na maging okay kami pero di maalis sa isip ko yun.Siguro papalipasin ko muna.Mamaya kakausapin ko sya.








"Okay!All set na!Ready na ba?"tanong ni Asi na nagsisilbing MC ng laro.





"Game!"





"Ready na!"






"Woooo!"







Excited na ang lahat para sa game kaya naman ang ingay talaga.





"Idikit mo babae ang pisngi mo sa tuhod ni lalaki!"agad kong nakita na kumilos yung mga kaklase ko.






Napatingin tuloy ako kay Grynald luluhod na sana sya pero agad kong tinaas yung tuhod ko at tumayo gamit ang isang paa,idinikit nya naman ang pisngi nya sa tuhod ko.







"Okay!Wala pa yan!Warm up pa lang yan!"sabi ni Asi matapos ang pinagawa nya.






Nakailang  challenge pa sya at may mga natanggal na.Kami ni Grynald ay nasa game pa.Si Harold at Mery din,habang patuloy nga ang game si Harold umakto pang nandidiri pag nakakadikit sya kay Mery.Ganon din si Aqua at Hasley na nirereklamo dahil parang wala nang ilang yung kanila kasi nga mag syota.Si Kelly at Riji ay okay pa naman at yung iba.






Dumating na walong pairs na lang kami.Yung mga na out gusto na tapusin yung game kasi nga madali lang daw yung challenge kaya nag sasuggest sila na hirapan na.







"Okay!Okay!Idikit mo lalaki ang ilong mo sa ilong ni babae!"







Napatingin ako kay Grynald.Move ko.Nakakahiya.I mean,hindi ako mahihiya if makita nila pero nahihiya ako kung gagawin ko kay Grynald yun.





"G-game ka pa ba?"tanong ko.Syempre mag aask muna ko ng permission nya.Ayaw kong magalit sya sakin.






Marahan itong tumanggo sakin.
Dahan dahan kong hinawakan ang mukha ni Grynald at inangat ito para tumingin sakin.Ramdam ko sa aking mga palad ang lambot at kinis ng kanyang mukha.Inilapit ko ang mukha ko sapat para maglapat ang ilong naming dalawa.Mabigat ang paghinga ko.Ang lapit namin sa isa't isa.Rinig na rinig ko din ang sigawan tilian ng mga tao sa paligid namin.





DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon