6

10 1 0
                                    







Ang gaan sa pakiramdam.Masaya ako para kay Ate dahil may boyfriend na sya.Mabait yung boyfriend nya si Kuya Killua,medyo may pagka wirdo nga lang pero pasado sya sakin.Madalas nyang pinupuntahan sa bahay si Ate at kung minsan nakikipag laro pa sakin ito ng basketball sa malapit na court sa bahay.Nung una medyo tahimik lang sya siguro nahihiya samin ni Tito Hulyo nung pinakilala sya ni Ate pero ng lumaon ay may pagka pilyo at makulit din ito.














Minsan tinatanong ako ni Ate at Kuya Killua kung may girlfriend o nililigawan ako,ang sabi ko wala.Wala naman kasi talaga.Pero sinabi ko may nagugustuhan ako at di ko alam kung paano ko sasabihin yon.











Matapos ang  fieldtrip naging mas close kami ni Grynald.Dumagdag pa na magkatabi kami ngayon sa upuan.Ang saya nga kasi sabi nya mag papaturo sya sakin mag gitara kaya ngayon magdadala sya ng gitara.







"Gin."naramdaman kong may kumalabit at tumawag sakin.Nakita ko si Grynald at may hawak siyang itim na gitara.









"Start na tayo?"tanong ko.Wala pa naman kasing teacher kaya okay lang.








"Grynald ganito yung A..."
Pagtuturo ko dito habang ipinapakita ko ang mga pwesto ng daliri ko sa string ng gitara.Nakatingin naman sya dito habang hawak ang mahaba nyang buhok.







Bakit kaya hindi sya nag papagupit?Kung sa bagay sayang ang haba ng buhok nya.Bagay naman sa kanya yung mahabang buhok.Well...kahit ano naman bagay sayo Grynald.









"Try mo na."sabi ko kay Grynald.Kinuha nya naman sakin ang gitara at sinimulan.Nagkakamali sya sa pag pwesto ng daliri nya minsan daw kasi nalilimutan nya kaya tinuturo ko kung paano.







Nung araw ding iyon ay nagpasya ako na sumabay sa kanya sa paguwi.Medyo may kalayuan na sa school ang bahay naming dalawa kaya kailangan pa naming maglakad papuntang sakayan ng Jeep at sumakay ng jeep at isa pang jeep para sakin.









Dala ko ang gitara ni Grynald at ng masiguro ko na walang kalat at maayos na ang room ay lumabas na kami ni Grynald.Naglalakad kami papuntang gate ng school,dala namin ang mga bag namin at yung gitara.








"Grynald...ano kukunin mo sa college?"tanong ko dito.








"Depende...pag nakakuha ako ng scholarship baka mag fine arts ako,pag wala baka business or nursing.Yun kasi ang gusto nila Papa."






Himala!Sinagot nya agad ang tanong ko.






"Makakakuha ka nyan!Ang galing mo kaya!"sabi ko dito.Nakalabas na kami ng gate at papunta na kami sa sakayan ng jeep.









Napatingin sakin ito at parang nagulat sa sinabi ko.









"B-bakit?m-may mali ba kong nasabi?"tanong ko.









"Wala.Ikaw ba?Anong kurso kukunin mo?"tanong nito sakin at ibinalik ang tingin sa nilalakaran.









"G-gusto ko mag photography kaso...gusto ko din maging psychologist.Ewan.Hindi ko pa din alam e.Gusto ko din mapalawak yung passion ko through writing,Hay!Ewan ko!Nakakains!Di ko alam kung ano kukunin ko!"natatawa kong sagot kay Grynald.









"Kaya mo naman kahit ano e."








"H-hindi ah."sagot ko dito.








Kung kaya ko ang kahit na ano
Bakit hindi ko kayang magtapat sayo?









"Nako Gin.Kaya mo.Pinipigilan mo lang ang sarili mo."









Tama ka Grynald.










Narating na namin ang sakayan ng jeep at sumakay kami don.Pinag uusapan lang namin kung ano yung mga nangyari sa school mga assignments,activities,outputs, at kung ano pa.Hindi ako nababagot kausapin sya.Kahit anong pagusapan basta sya yung kaharap ko hindi ako mabobored.








Bumaba kaming dalawa ni Grynald dun sa pangalawang sakayan ng jeep.Dito na malapit yung bahay nila.









"Grynald,naalala mo dati nung Valentines day?"






"B-bakit?"nakita kong pinamulahan naman ng pisngi si Grynald,lumapit ako sa kanya at nakatitig lang ako sa mukha nya.Sya naman hindi alam kung saan ibabaling ang tingin.








"Valentines day noon.Sinabi mo sakin hindi Goodbye yung tamang salita."









"N-naaalala mo pa yun?"gulat na tanong nito sakin at nakatingin na sya sakin ngayon.








"Oo naman.Ikaw nag sabi non e."hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob kong sabihin yan.








Hindi sya sumagot.Mas lalo lang syang namula at ibinaling nanaman ang tingin sa paa.Ang tangkad ni Grynald pero mas matangkad ako sa kanya.Siya yata ang pinaka matangkad sa babae samin at ako pangalawang matangkad sa lalaki.






"Grynald..."pagtawag ko pa din sa kanya at nagangat sya mukha at tumingin sakin.







Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa...






Lumapit ako kay Grynald at hinalikan sya sa noo.Bakas sa mukha nya ang pagkagulat at lalo pa syang namula.










"See you soon Grynald!"






Sabi ko dito at naglakad na papuntang sakayan ng jeep.Nang makasakay ako ng jeep nakita kong hawak ko pa din ang gitara ni Grynald.








Ang saya ko.

DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon