Ang saya ko pagdating ko pa lang sa bahay kagabi.Halos magdamag kong inisip at nerewind sa utak ko kung paano ko sya nagawang halikan sa noo.Tinanong ni Ate kung bakit ang saya saya ko daw tingnan.Ang sabi ko lang nakakuha ako ng mataas na score sa math kaya yun.Desedido na ako.Magtatapat na ko kay Grynald.
----Kabado.
Nasa labas ako ng classroom at bitbit ko pa din ang bag ko at ang gitara ni Grynald.Hindi pa ko pumapasok sa loob ng classroom.Nung nasa bahay pa ako kanina ay iniisip ko na kung saan at paano ko magtatapat kay Grynald.
It's now or never Gin!
Nahalikan mo sya sa noo pag wala kang ginawa baka isipin nya pinag tritripan mo lang sya!Huminga ako ng malalim at naglakad para pumasok sa loob ng classroom namin.Pumunta agad ako sa upuan namin ni Grynald.Nandon sya nakaupo at may hawak na lapis.Pinaglalaruan nya lang ito at sa paa nya nakatingin.Parang alalim ng iniisip nya kaya di nya ako napansin na umupo sa tabi nya.
"Grynald."
Tawag ko dito.Napatingin naman sya sakin at nanlaki ang mata.
Eto na.
"Tara sa field.Wala pa namang teacher."sabi ko dito sabay pakita ng gitara nya sa kanya.Senyales na
tuturuan ko sya mag gitara.Tumayo na ako agad at di na hinintay ang sasabihin nya.Lumabas na ako ng classroom at nakita kong sumusunod sya sakin.Medyo nauuna ko sa kanya kaya naman binagalan ko ang lakad hanggang sa magkapantay na kami.
Hawak parin ng dalawang kamay nya ang lapis at palagay ko mahigpit ang pagkakahawak nya doon dahil nakikita ko ang ugat nya dahil na din sa kaputian nya.
Nakarating kami sa field at naupo sa damuhan doon.Kaunti lang ang tao ngayon dito.Parang yung arnis team nga lang tapos ilang students na pinapatakbo ni Sir.Armand.Siguro punishment nila dahil hindi sila sumunod sa hair cut or wala silang ID.
"Grynald..."
"Gin..."Nagkasabay pa kami ng salita.
"I-ikaw muna."sabi nito.
"Una ang babae."
"Ikaw nga muna sabi!"
"Okay!Okay!Relax!"sabi ko dito at inilapag sa damuhan ang gitara.
"Yung kahapon..."panimula ko.
"Wag ka sanang magalit Grynald..."
"H-indi.K-kung mag s-sorry ka kasi d-di mo naman ginusto yun ok---"hinawakan ko ang kamay nya at naging dahilan yon para mapatigil sya sa pagsasalita.
"Hindi.Hindi ko yon sasabihin."
"G-gusto ko kung ano man ang ginawa ko."
Napatitig ito sakin at nanlaki ang mga mata.Ang ganda ganda nya.Bigla nanaman tumibok ang puso ko ng pagkabilis bilis at kinakabahan ako.
"Grynald...g-gusto k-kita,m-matagal na."
Naramdaman kong mas humigpit ang hawak ko sa kamay nya.
Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya ngayon.
Kung ayaw nya saakin at kung sasabihin kong okay lang yon ay hindi.Hindi ako magiging okay.
Iba kasi si Grynald.
"Grynald...k-kung a-ayaw m-mo o-or h-hindi mo ko g-gusto okay lang...Mali!H-hindi okay yun syempre.A-ang sakin lang...Hay!Ewan!"
Unti unti ko nang binitawan ang kamay nya.Napasabunot ako sa ulo ko.Hiyang hiya ako at palagay ko ay namumula na ko.Napaiwas ako ng tingin kay Grynald at hinarap na lang ang gitara nya.
"Gin."
Gusto ko sanang sabihin na kalimutan nya na lang.First time kong gawin ang pagtatapat sa babae.Hindi ko akalain na napaka hirap pala.
"Grynald h-hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko."sabi ko dito.
"P-pero g-gusto talaga kita.P-pwede bang m-manligaw?"
Sa pagkakataong ito ay tumingin ako sa mga mata nya.Punong puno ng sensiridad ang mga sinabi ko.Prinactice ko pa sa bahay ang mga sasabihin ko.Alam ko na kung ano na ang sasabihin ko.Pero sigurado na ako sa huli kong sinabi...na liligawan ko sya.
"O-okay lang ba Grynald?"tanong ko.
Kinakabahan nanaman ako.
Baka ayaw nya taga sakin.
Ngumiti ito sakin at dahandahang tumango sabay sagot ng
"Oo."
"T-talaga Grynald?"
Nakita kong tumango ito at namumula na.Dahan dahan itong yumuko.
Ang saya!
Napa suntok ako sa hangin at tumalon talon at umupo sa tabi nya."Yes!Yes!Yes!"
Natatawa naman si Grynald.May mga ibang students na napatingin sakin dahil sa ginawa ko.Okay lang yan!Feeling ko sinagot nya na ko pero ang totoo manliligaw pa lang ako.