3

15 1 1
                                    






Kakauwi ko lang sa bahay ngayon.Sobrang pagod ako nitong mga nagdaang araw.Nilagay ko bag ko sa ibaba ng kama ko.Pumunta ko sa tapat ng cabinet ko para kumuha ng damit pangtulog ng may malaglag na kung ano sa paa ko.





The Caterpillar








Pagbabasa ko sa title ng notebook.
Pinulot ko iyon at ipinatong sa beside table ng kama ko.Maliligo muna ko bago ko iyon basahin.






Matapos maglinis ay kinuha ko ulit ang notebook na matagal ko nang hindi sinusulatan.Humiga na ako sa kama at sinimulang buklatin iyon.


Tandang tanda ko pa kung bakit ko lahat ito ginawa.







Dear,Gin

             Grade 3 na tayo ngayon.Alam mo ba nung grade 2 pa lang tayo kilala na kita,ang kaso hindi mo ko kilala.Ang galing galing mo!Ang talino mo pa!Kaya nga kita idol!Magsisikap ako para isang araw magkaklase na tayo!


                                Caterpillar



















Dear,Gin

Alam mo ang saya saya ko!Kase lagi na kitang nakikita!Ngayong grade 4 na tayo mas madalas na tayo magkakasama nila Hasley kase section 2 na ko at katabi lang yon ng room nyo!Ang saya ko talaga kasi minsan kasama nyo ko mag recess at tumatambay pag walang teacher!
Promise!Gagalingan ko pa para maging classmate kita!

Caterpillar


















Dear,Gin

Yes!Finally!Classmate ko na kayo nila Hasley!Ang saya saya ko!Sa wakas!Pwede na tayo maging close!Iniisip ko palang natutuwa na ko!Kaso nahihiya ako!Baka mag kamali ako pagtawanan mo ko!Dibale!Gagalingan ko para magalingan ka sakin!From lower section hanggang section 2 at ngayon sa wakas!Classmates na tayo!Ginawa ko to lahat para sayo Gin!Ang psycho ba tingnan?
Sorry!Alam ko naman limitasyon ko.Don't worry!

Caterpillar












Dear,Gin

Nakakasama kita tuwing recess or tambay dahil kay Hasley at Aqua kaya naman tuwang tuwa ako.Ang kaso nalaman ko may crush kang iba.Si Ate Kim?Yung Grade 6 na magaling kumanta?Gusto mo pala ng magaling kumanta?Si Ate Kim bumibirit...di ko naman kaya yon.Pero sige!Kahit di ko kaya bumirit okay lang!Basta kumakanta!Maghanda ka Gin!

              Caterpillar









Dear,Gin

Kinabahan ako kanina!Sabay tayong umuwi!Nag lalakad lang tayo at ang romantic niyon para sakin!Kahit na minsan iniisip ko na may crush ka din kay Hasley?Okay lang.Kase di ka naman mag kakagusto sa isang gaya ko.Ewan ko ba sayo!Minsan ang liit ng tingin mo sa sarili mo,ikaw nga yung taong uunlad agad kahit walang tulong ng iba.Kinakabahan ako kanina nung kasama kita.Valentines day...sinabi ko sayo na kakanta ko.Ang totoo ginawa ko yun para ipakita sayo na kagaya ni Ate Kim kaya ko din kumanta.See you soon Gin!

DAHILANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon