1 month.1 month na akong nililigawan ni Gin.Ang saya ko.Hindi ko akalain na aabot pala ako sa ganto.Minsan nga iniisip ko kung nananaginip lang ako at kaylan ako magigising pero hindi,totoo ito.
Bawat araw,minuto at oras ay pinaparamdam nya na espesyal ako sa kanya.Sa school hindi na sya umaalis sa upuan nya para lang may kasama at may kakwentuhan ako.Madalas kaming kinakanchawan ng mga classmates namin at ilang mga teachers pero keri lang.
Tinuturuan nya pa din ako mag gitara at ang galing nya plus ang haba ng pasensya nya.Todo effort ako sa pakikinig dahil nakakahiya kung wala akong matututunan.Hindi ko din maiwasan na hindi ngumiti at kiligin sa mga jokes nya.May pagka playful side pala si Gin pero once na maging serious sya medyo nakakahiya pero mas pogi talaga sya pag serious sya.Well kahit saan naman hahaha.
Ang totoo gusto ko na talaga sya sagutin kaso hindi ko alam kung paano sisimulan.Tyaka naghahanap din ako ng perfect timing.Yung kung saan okay ang lahat.Tamang lugar,oras pati yung panahon.
Magkasabay din kaming mag recess gusto nya ko lagi ilibre pero di ako pumapayag.Ang sabi ko kasi ang unfair at hindi naman sa ayaw ko magpalibre pero may pera naman ako.Ang sabi ko lang ay mag ipon sya dahil ako nag iipon din.Nag joke pa nga si Hasley ng wow!relationship goals!Iponan portion.
Kaya yun.Pumayag naman sya pero sabi nya dapat pumayag daw ako kahit juice or tinapay ilibre nya ako kaya pumayag na ko.
Nung unang beses nya ako binigyan ng chocolate na toblerone ay nung maubos ay nilagyan ko pa ng date yung lalagyan at nilinis tyaka nilagay sa isang box.Dun ko nilalagay yung mga bagay na may kinalaman kay Gin or kahit anong bagay na binibigay nya sakin.Dito din nakalagay yung notebook ko na sinusulatan ko parang daily diary na din tungkol kay Gin.
Minsan tuwing Saturday at Sunday nagkikita kaming magkakaibigan tapos hihiwalay kami ni Gin.Parang quality time or date pero parang hindi date kasi hindi naman kami.Basta yun.Ang gulo no?
Minsan hindi ko din alam kung paano kumilos pag kasama sya.Pero lately nakakasanayan ko na.Nung mga 1st week na nanliligaw sya talagang may awkwardness kasi naman first time namin parehas sa ganito.Ngayon medyo komportable na.Ang saya sa pakiramdam na nandyan sya at pinaparamdam nya sakin na mahalaga at mahal nya ko.
Ang corny man pero wala e.
Ganon talaga yata ang tao kapag pag ibig ang usapan.Hindi natin namamalayan na ginagawa na pala natin yung mga bagay na di natin nakasanayan gawin.Hindi natin alam nagiiba at nag iimprove pala tayo.Hindi natin alam napapasaya na nito tayo.Nagiging mundo na natin sila.Hindi natin alam nakalabas na pala tayo sa comport zone natin.Nagiging malakas tayo.
Hindi na lagi ang the usual.
Laging may bago at masaya tayo.Minsan kinakabahan ako at nag aalala na baka sobrang boring ko kasama.Gusto ko pa syang makilala ng lubusan.Ang alam ko wala na syang Mama at Papa si Ate Renesmee na lang at sya ang magkasama.
"Alam mo sobrang bait ni Ate Renesmee sakin."
Kwento ni Gin sakin habang nakatingin sa medyo makulimlim na langit.Nasa park kami ngayon at pinili na tumambay dito dahil uwian na at medyo maaga pa naman.