CondolenceEven though all the ships sinked, a true friendSHIP will always rise no matter what will happen.
[Kythe's POV]
Salamat naman at nadala ko yung power bank ko. KAINIS! Sa tagal ko ba namang pinag masdan ang picture namin kahapon, hindi ko na namalayang empty na pala ako kundi pa nag power off. Dinisplay picture ko pa yun sa fb.
Sabi ni Kate sabay daw kami ngayon pumunta sa school at pupunta nalang sya sa bahay. Mga isang oras na ako nag hihintay pero wala parin, mauna na nga!
***
Nandito na ako sa school maaga aga rin ako nakapunta kaya hinanap ko muna si Kate.
Nakakataka nga at hindi na sila lumalapit sakin o nagbubulungan. Parang normal lang.
Pakana nanaman toh ng magkambal na yun noh?? Pero buti na rin. Gusto ko na parang normal lang ako.
***
Asan na ba sya??? Malapit na mag klase pero hindi ko pa rin sya makita.
"Oh, gorgeous, bakit nasa labas ka pa?? Diba dapat nasa classroom ka na??" Kailangan ko pa bang sabihin ko sino sya?? Sya lang naman ang tumatawag sakin ng gorgeous.
"Kasi Tristan hinahanap ko pa si Kate eh. Hindi kasi sya dumating sa bahay kanina."
"Hayaan mo na muna sya. Magkikita naman kayo sa canteen mamaya diba?? Hatid na kita baka malate ka pa." Buti nalang at sinabi ni Tristan yung words na yun. Nabawasan yung kaba ko. Ano kaya nangyari sakanya?? Ok lang ba sya??
***
Nagtuturo na si Ms. Cruz pero walang pumapasok sa isip ko. Ano kaya nangyari kay besis?
"Huy, Keira, tulala ka nanaman." Sorry Kristan pero wala ako sa mood makipag usap.
"Hello, Keira! Kinakausap kita ah. Sumagot ka naman."
"Nakita mo ba si Kate?" Sana sabihin nya oo.
"Hindi bakit??"
"Wala, ano ulit yung sinasabi mo kanina??" Nag facepalm sya. Tsk! Sorry Kristan dinamay pa kita.
Ano ba nangyari?? Asan na yung cellphone ko baka meron syang message. Buti nalang full na.
2 unread message.
• Halimaw
•BesisFrom: Besis
Besis. Sorry hindi ako nakasabay sayo. Hindi na rin ako makakapasok. May emergency kasi eh.
From: Halimaw
Good night sweet dreams. =)
Napangiti naman ako sa message ni Kristan. Hindi ako kinikilig ah! Pero ano kayang emrgency yung sinasabi ni Kate? Bakit kaya hindi sya pumasok?? Ganoon ba kalala yung emergency na yun???
Napatingin nalang ako sa katabi ko. Nakangiti sya tapos nakatingin sa harapan.
"Anong nginingiti mo dyan??"
"Wala masaya lang ako." Masaya sya? Anong ibig sabihin nya? Masaya sya na lutang ako?
Yahh!! Bakit ba kasi sila magsasabi ng kung ano ano na kailangan mo pang hulaan tungkol saan.
Buti nalang at tapos na math. Kainis! First day ko rito bwiset ako. Second day ko rito tulala ako. Hindi ko na mainitindihan ang lesson namin sa math!
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Teen FictionKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)