ConfessionConfessing your feeling is bad, it can cause you to death. But sacrifice cause sometimes the other one is just waiting for you.
[Kristan's POV]
Isang linggo na ang nakalipas ng matapos ang field trip namin at nakabalik na rin si mommy sa Philippines. Yes!!! Namiss ko na rin sya after all sya lang naman ang nag palaki at bumuhay saamin at minahal kami ng buong puso. Bwiset! Bwiset kasi yung lalakeng yun! Bubuntisin si mommy iiwanan lang naman pala! Pinahanap na namin sya sa mga investigator namin kaso hindi nila mahanap. Baka naman patay na?? Sana nga...
CHANGE TOPIC TAYO! Baka masira mood ko nandito pa naman si mommy.
Hindi pa nga pala alam ni mommy si Kythe noh? Paano kaya kung makilala nya yun?? Magugustohan kaya nya?? Sana magustohan nya...
Pupunta na sana ako sa kwarto ni mommy ng magkasabay pa kami ni Tristan na pumunta sa pinto. Aalis na sana ako at hahayaan muna sya kaso huli na ang lahat.
"Hi boys! Oh? Bakit nandyan lang kayo?? Pasok!"- mommy.
Alam ko kasing galit sakin si Tristan or something. Hindi nya kasi ako kinakausap ng maayos at minsan sino-snob nalang. Siguro maganda na rin na ayusin namin toh sa harapan ni mommy.
Pumasok kami sa loob ng kwarto ni mommy at hinalikan sya sa pisngi. Ganoon talaga pag mommy's boy, sweet. Hehehe.
"So tell me?? Bakit kayo nasa harapan ng pintuan ko?" Paninimula ni mama at humiga sa kama nya at pinahiga kami sa magkabila nyang braso. Just like before.
"Omma I think now is the right time to tell you this." Panimula ko habang si Tristan naman ay naka bored look lang.
"Spill it." Haysss kahit kelan talaga tong si mommy impatient.
"Omma, si Tristan po mukhang may probelma. Lately he's been acting like before and sometimes he's mad at me. I don't know why?" I just look down, hindi ko kayang tumingin kay Tristan kasi alam kong nakatingin sya saakin ng masama.
"Bakit Tristan?? Is there's something wrong. Tell it now."- mommy.
"Omma, It's for our own good. Hindi ko kayang makita si Kristan kasama ang babaeng mahal ko. I take away his love before, now I chose to stay away and sacrifice. Kung tatanungin nyo ako ngayon, sobrang hirap lumayo sakanya. She's my first love and for the sake of my twin and for return, I stay away and chose to look at her from far." Ng sabihin saamin ni Tristan iyon ay napatingin agad ako sakanya. So all this time he's avoiding us for my sake?? Ang sama ko naman at napagisipan ko pa na masama ang loob nya saakin at naga-away kami ngayon. Ng tumingin ako sakanya, nakita ko ang sarili ko na may sakit na nararamdaman. Yan din ang mukha ko dati.
"Well first of all.... Who's the lucky girl at parehas pa kayong nainlove sakanya?" Tanong ni mommy na may pagkahalong pang-asar... Hayyss sabi na nga ba eh! Ganyan na naman sya, parang kay T-- errr nothing..
[Veronika's POV]
I'm suprise to heard na ang kambal ko ay nagkaka-tampuhan na ngayon dahil parehas silang may gusto sa i-isang babae. How genuine... pangalawang beses na nangyari sakanila yan. I wish na hindi na yung babaeng yun ang nagustohan nila.
I look at my boys and ask my question. " Well first of all.... Who's the lucky girl at parehas pa kayong nainlove sakanya?" Sabi ko habang tinataas baba ang kilay ko. At nagulat nalang ako ng parehas pa silang nag mukhang mansanas... Hmmnn siguro lakas ng tama nila sa babaeng yun.
"Omma stop.... hindi ka na nakakatawa." Cold na sabi ni Tristan. Don't tell me babalik nanaman sya sa dati nyang ugali ng dumating yung demonya na yun?
"Tristan, ano naman ang masama kung gusto ko lang makilala yung girl?? Don't be so kj."Pang-asar ko sakanya pero no use. Inirapan lang ako... Tsss ang gulo talaga ng mga lalake, parang mas matindi pa minsan sa mga babae.
Mga ilang segundo kaming tahimik at nakatingin lang sila sa ibang direksyon. I'm starting to think na gawa gawa lang nila ito or prank pero nagulat ako sa sinabi ni Kristan.
"It's Kythe.... Keira Blythe Hathaway. Pag confess ni Kristan at bigla nalang nagtalukbong ng kumot. I smile unconsiously, Anak nila Kyra at ni Brandon... ang mga kababata kong mga kaibigan dati sa Korea. Kaso naiwan namin si Kyra kasi si Brandon ay tapos na ang vacation sa Korea and that time lumipat kami rito sa Philippines dahil mas maliit daw ang tax at nandito sila lolo at lola. After many years nagkita ulit kami nung college kami pumunta ako sa U.S to study in a good quality school. At the same school naging magkacourse kami ni Brandon tungkol sa business. We chose about sa media. Then lumipat naman si Kyra sa U.S para sundan si Brandon and they start their fairy tale at ako ang nakasaksi doon. Nakaka-inggit lang kasi sila getting stronger and stronger samantalang kami ni Derick ay wasak na wasak..
"Omma, why are you crying??" Tanong ni Tristan. Kitang kita ang sincerity ni Tristan sa mata nya. Parang mga mata ni Danrick ng nag maka-awa sya na sya nalang ang piliin ko at wag ang kakambal nyang si Derick. Sana sya nalang yung pinili ko noon. Pero hindi ko din pinagsisihan na pinili ko si Derick. Edi sana walang Tristan & Kristan. Kahit na niloko nya ako at iniwan nya kami ng mga anak namin ay hindi ko parin sya sinisisi. Ako din naman ang may kasalanan.
"Wala, napuwing lang ako." And I put a smile in my face trying to assure them that i'm alright. Pero ang tatalino talaga nila.
"Liar..." Rinig kong bulong ni Kristan na nakatalukbong parin. Napabuntong hininga nalang ako.
"Hay, boys ok lang talaga ako. Hindi ako ang pinaguusapan natin kundi yung problema nyo. Wag na kayo magtampuhan, mas pogi kayong tignan pag magkasama." I excused my self na magc-cr muna ako. I'm crying in pain.. in depression... in frustration.... in everything. Sobrang sakit kasi alam ko naman na masama yung ginawa ko pero tinuloy ko pa rin. Gusto ko lang ngayon na maging masaya at magkabalikan na kami. I calm myself trying to be fine para hindi maapektuhan ang mga anak ko. Ako nalang ang natitira.. kaya kailangan kong maging matatag.
Pumunta ako sa SM to relax myself. Baka mag mukhang pangit ang mukha ko sa pictorial mamaya.
Pumunta ako sa salon at nag-spa narin. Bumili ako ng damit para sa gagamitin ko mamaya. I chose na mag white ako para glowing ang ganda ko. I was about to enter the "Lights, Camera & Pose" kaso natigilan ako ng makasalubong ko ang babaeng muntikan nang sirain dati ang puso ng magkambal ko. How dare her! At ang confident pang maglakad. Ng tumigil ako, ay tumigil rin sya para sabihin ang mga salitang nagbigay sakin ng urge na patayin sya.
"I'm back... Nice to see you again Ms. Ziegler. Sana this time hayaan mo na akong kunin ang mga nararapat saakin. And by the way, nice dress para sa burol mo." Sabi nya but I just throw a glare on her. Is this a revenge?? Sana wag naman. Masakit sa puso kong makita na nasasaktan ang mga anak ko.
[3rd person's POV]
I leave her with a big smile on my face. I just hate her guts... ang tanda na nga nakikibaka parin. Sana nga magka-totoo yung sinabi ko sakanya kanina eh. Eto na.... makukuha ko ang mga gusto ko..... Sana lang ay wag sumagabal ang babaeng yun sa mga plano ko. Nagimbestiga na ako kung anong nangyayari kay Baby Kristan. This time i'm gonna make it right... gagawin ko ang lahat para lang makuha sya. Kahit pumatay ng tao ay gagawin ko. Wala akong takot sa puso. Bakit ako mata-takot kung pwede naman na mga tauhan ni daddy ang pumatay sakanila at hindi ako?? Ganyan talaga pag anak ka ng head ng mga magagaling at malalakas na sundalo. Sabi ko nga "what I want, I get".
*****
Author's note
Maghanda na kayo Rs sa susunod na chapter ay ire-reveal ko na kung sino ng tinutukoy nila. Sana nagustohan nyo yung chapter na toh. Sorry kung matagal ulit yung pag update ko. Relate ba kayo sa masasakit na nararanasan nila? Thanks Rs for reading and stay tune to Kythe's destiny. Vote and comment please?? I♡U
- Ms. K
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Teen FictionKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)