Ninja MovesBe brave in everything, remember you a human the strongest of the living things.
[Kythe's POV]
"Ugghh!!" Ang sakit ng ulo ko!! Ano ba nangyari kahapon?? Hmmmn panaginip ko daw kasama ko si Tristan, nagmumuni muni kami sa tabing dagat. Hayyss namiss ko na talaga yung taong yun. Oo nga pala last day na namin dito. Sayang! Hindi ko man lang napuntahan yung tinutukoy ni Kate. *pout*
Pagkatayo ko nagbihis na agad ako, para akong adik na pinasakay mo sa isang rides na ikot ka ng ikot tapos pinatayo mo ng straight. Psh! Kainis wala man lang akong dalang gamot. Baka meron sila sa clinic nila.
Pumunta ako sa clinic at humingi ng gamot. Pero bakit nandito si Kit?? Karl?? Ken?? Keith...oo si Keith Sarmento, yung gusto ni Besty. Bakit kaya puro sya pasa?? Pshh! Sabi na nga ba basagulero toh eh! Dejk.. Ayoko namang maging judge mental.
Pagkahingi ko ng gamot humiga nalang ako sa kama nila don. Hayyyy!! So soft...
Sayang talaga.... sa susunod nalang nga ako mag gagala dito.
Pagkaalis ko ay nakita ko na ang iba na nagaayos ng tent nila. Huuuh... 2:25 pm na pala? Inayos ko na ang tent ko, i mean inayos na pala namin. tumulong kasi si Kristan, at biglang nalang tumunog ang tyan ko. Oo nga pala hindi pa ako kumakain. Nakita ko si Kate na may kausap sa gilid at mukhang Tarantang taranta. Nilapitan ko sya at hinawakan sa balikat.
"Anak ng kalabaw!!! Huuuu! Makakamatay ka naman ng tao!! Wag ka nga manggulat!!" Sabi nya at tinago ang phone sa likod nya at nilagay sa pocket ng shorts nya.
"Bess, kain tayo!! Hindi pa ako kumakain." *pout*
"Hehehe ok. Halika na nga! Punta tayo sa hotel. Libre ko.."
"Sige!!!" Masigla kong sagot tapos naglakad na kami.... oo nga pala.....
"Syempre!! Sainyo toh!! Magiging libre nalang kasi sayo tong hotel." Uutuin pa ako nitong babaeng toh.
"Hehehe.... kaya nga!! Dahil saamin toh at hindi na ako gagastos, hindi na kita sisingilin. Hehehe." Sige na nga.... pag bigyan na..
Kakain kami ngayon ng seafood. Ang sarap!! Amoy palang sure na ako na magtatake out nako dito. May calamares, may tuna, may kung ano ano pa! Meron din ung favorite ko... razor clams.. yum!
"Best saan nyo toh nahuhuli?? Ang sarap naman!" Takam na takam na talaga ako. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lantakan ang pagkain na nakahain saamin. Hindi ko na hinintay pa si Kate kasi alam ko kailangan nya magexplain.... mga 3-5 sentences dapat!
"May pwesto kasi kami rito na makakakuha nyan. At dahil hindi naman namin pinapayagan ang iba na mangdagit ng kung ano anong uri ng isda kaya napakarami na naming reserba. Mayaman kasi ang busuanga pagdating sa ganyang usapan." Casual nya na sagot. Ang sarap naman pala ng ganito! Sasabihin ko kay daddy na bumili sya ng islet na may ganoon, kaso satingin ko wala ng for sale.
"Hinay hinay lang bess, poise mo!" Pagpapaalala saakin ni Kate.
"Sorry naman noh! Ikaw kaya yung lumantak sa pizza ng pizza party ko tapos dalawang piraso lang ang nakain ko nun, hindi pa ako kumain ng lunch time. Kaya dapat lang na libre toh kasi kung hindi lagot ka saakin." Pagbibiro ko.
"Wag naman po!" Sagot nya. At nagtawanan kami.
"Hey girls! Whats so funny?"
"Oh! Nandito na pala si Mr. Busuanga! Have a seat and join us!" Kate naman! Alam ko na aasarin nanaman nya ako kay Kristan. Sana lang na itikom nya yung bunganga nya.
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Teen FictionKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)