A Dare DateA true relation can solve the situation with the perfect solution.
[Kythe's POV]
"Ano bang gusto nyong booth??" Tanong ko sakanila. Ano nga bang magandang booth. Bago ako pumasok rito ang dami ko ng naisip, ngayon na kailangan hindi ko masabi. Haysss.
"Ummm... Kissing booth!" Masayang sagot ni Trixie.
"Wag na yun, laos na yun eh! Horror booth nalang." Angal naman ni Casperr
"Wag yun! Nakuha na daw yun ng 3rd year." Hindi pwede toh! Hindi pwedeng walang magandang piliin namin.
Nakailang minuto na pero wala parin kaming maisip. Ang sabi rito sa paper 2 na booth lang daw ang kailangan. Pero bakit parang 100 booth yung pinipili namin.
"Ang hirap naman." Casperr shout out of frustration.
"Gusto nyo??" Alok ni Trixie na may hawak ng apat na ice cream. Ang sarap. Favorite ko pa naman yung flavor. Rocky road.
Binuksan ko ang takip at nag simulang kumain.
Ilang minuto na rin kaming walang imik ng basagin ni Tristan ang katahimikan.
"Restaurant booth. Sabi naman ni mommy na hindi naman tayo yung dapat gagalaw o magaassist sa booth natin. We need some stuffs to look for it while we are away para naman makapaglibot daw tayo sa isang isang araw." Cool na sabi nya. Wait what??!! 3 days nalang ang natitira??!
"Ano guys, gusto nyo restaurant booth? Parang mabenta yun!"- Casperr.
"Yup!" Tili ulit ni Trixie.
"Then restaurant booth it is." I close the issue.
"Yes tapos na!" Sigaw ni Casperr at akmang aalis.
"Hindi pa tayo tapos. Dalawa daw dapat ang gagawin na booth." Paliwanag ko.
Natigil naman si Casperr na nasa door habang si Trixie naman na nagaayos.
"Ugghh! Isa pa?!" Sigaw ulit ni Trixie.
"Yup so bumalik na kayo rito para matapos na natin." Para namang bata silang bumalik rito at nakadabog pa. Palihim akong natawa dahil sa inasal nila.
Ilang minuto nanaman ang nakalipas at wala parin kaming naisip na booth.
"Hhmmnn. How about parkour booth?? Wala pang ganon ever since. Maganda din yun!" Oo nga noh! Maganda rin yun!
"Ano gusto mo ba yun Tristan?? Ako gusto ko nun!" Sigaw ni Trixie pero inirapan lang sya ni Tristan at may binulong pa kaso hindi namin narinig.
"Hmpp! Shunget mo!"
"Ok tapos na tayo. Parkour and restaurant booth here we come!" Sabi ni Casperr.. Sure ba sila dyan?? Sana naman maganda ang kakalabasan nito.
Wooh! Basta tapos na kami! Yun na yun!
Lumabas na kaming lahat at dapat pupunta na sa bahay ng may humablot saakin.
"Aghh-mmm." Sigaw ko. Ayaw kong magmulat ng mata at baka makakita ako ng bakulaw. Wahhh! Mama help!!
Hindi yan uubra Kythe. Nanay at tatay mo nasa ibang bansa. Sa maids mo nalang ikaw magpatawag.
Bwiset naman tong utak ko oh! Shhuushh! Wala kang paki! Pweeh!
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag sigaw kahit tinakpan nya ang bunganga mo.
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Teen FictionKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)