Lover BoysLoving someone is really a hard parkour. It's up to you if you'll gonna let yourself fall or stand still. It's up to you if you'll gonna stop and let the others win or beat the finish line.
[Tristan's POV]
Gumising na ako at nagbihis. Pagkalabas ko sinalubong agad ako ng sinag ng araw. Nasa malaking tent kami ni twin. Yung tipong may space para tumayo at magbihis. Hindi kasi kasya kung sa hotel kami, madami daw nakacheck in.
Tinignan ko si twin. Ang gwapo nya pag natutulog parang ako hehehe. Masanay na kayo may pagkaloko din ako. Hindi nakapagtataka na nagugustohan kami ni Kythe. Kami kaya ang Ziegler twins ang pinapangarap ng iba. Hehehe sorry na.
Maaga pa lang ngayon at mag s-sunrise palang. Pumunta ako sa seashore upang mag muni.
Sana di na kami magaway ni twin. Sya ang kabiyak ko, sa loob palang ni mama magkasama na kami kaya napakalaki ng closure ko sakanya kesa sa iba. At sana wag ng dumating ang dating nakasira saamin. Ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay namin ni twin, at ang dahilan kung bakit ilap ako sa tao ngayon. Kung pwede lang hingilin na mawala na sya gagawin ko, pero hindi yon magugustohan ni mama dahil masama yung gawain5.
May umupo sa tabi ko.
[Kristan's POV]
Umupo ako sa tabi ng nag eemote kong kakambal. Nagaya na ata kay Kythe.
"Oh ang aga mo naman atang magmuni." Pangasar ko sakanya.
"Good morning." Cold nyang sagot sakin. Parang ako talaga pero hindi bully at babaero. Oo na mabait talaga yan si twin hindi ko matatanggi.
"Good morning din. May problema ba?"
"Paano kung bumalik sya ulit??" Wow straight to the point agad.
"Sana lang wag na ,kasi pinatay ko na sya sa isip ko." Hindi nyo ako masisisi. Satingin ko kahit kayo papatayin sya sa isip pag ginawa din nya yun sainyo or worse baka sa totoong buhay.
"Twin alam ko na mahal mo si Kythe, mahal ko din sya. May gusto sya sating dalawa narinig kong sabi nya. Ok lang ba yun sayo??" Huh?! May gusto sya sakin?? I mean samin??
"Oo naman. Ok lang sakin kung sinong piliin nya. Bakit mo naman natanong?" Pagbalik ko sakanya. Totoo lahat ng sinabi ko. Bestbuds kami ni bro at ok lang sakin. Sana lang hindi masyado masakit at maapektohan ang samahan namin.
"Baka kasi magalit ka at maulit nanaman ang nakaraan." Pati din pala sya ay inaalala yun.
"Hindi ko hahayaang maulit ang pagkakamali nating dalawa." Nginitian nya ako at niyakap. Napangiti nalang din ako.
"Salamat twin at nandyan ka sa tabi ko palagi." Natouch ako dun. Literally. Nakakabakla noh??
"Salamat din."
[Kythe's POV]
Pagkalabas ko sa tent ko nakita ko yung magkakambal nagyayakapan. Nakakatouch!! Naiinggit tuloy ako. Buti naman at sweet sila sa isat isa at hindi nag iilangan.
Lumapit ako sakanila at umupo sa harapan nila. Pero dahil nakapikit sila hindi nila ako nakita. Nakangiti din sila, ang ganda ng mga ngiti.
"Ang sarap nyo namang tignan na magkayakap, naiinggit tuloy ako." Napatalon naman sila sa gulat ng makita ako at ngumiti lang sakin at niyakap din ako. Sweet talaga nila. Isa din yan sa dahilan kung bakit ko sila nagustohan.
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Teen FictionKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)