Kythe 20: Dating The Monster

47 16 0
                                    


Dating The Monster

Sometimes the person you trust the most is the one who throws you like a little piece of trash.

[Kythe's POV]

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Wait?? Bakit nasa school parin ako?? Oo nga pala sinugod ako rito ni Casperr. Buti na nga lang at may bait parin sya sa katawan.

"Arggh!" Ngayon naramdaman ko na ang sakit ng ulo at pusod ko. Pusod nga ba?? Tiyan pala. Hindi nga pala ako nakakain ng dinner. L

Lumabas ako upang umuwi na. 7 na rin ng umaga. Siguro nagkklase na rin ngayon.

"Umm, gising na pala kayo Ms. Hathaway. Eto po ang damit at pagkain na binigay ni Master." Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

Sweet rin pala si Casperr. And speaking of Casperr, meron nga pala kaming date ngayon.

Masaya akong kumain at nag damit na rin. I can't take off the smile on my face.

Nagpasya akong pumunta nalang sa rooftop. Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala ng view rito. Napagitla ako sa gulat at muntikan pang mahulog.

"Dito ka rin pala tumatambay... Eto ang tambayan namin ni Tristan para hindi dumugin ng mga fans."

"Bwiset na rooftop! Ano kaba Kristan!! Papatayin mo ako sa gulat." Hinampas hampas ko sya sa pero hinawakan nya lang ako. Dahil sa gulat ng may nagspark ng maghawak ang kamay namin natumba ako pero buti nalang nasalo nya ako.

Masasalo rin kaya nya ang puso ko??

Hindi adik! Tandaan mo Kythe yung puso mo madaming nakakabit na blood vessels, hindi agad yan mahuhulog. May breast cage ka pa! Yun ang sasalo sa puso mo bago yan lumabas sa katawan mo!

Wag ka ngang panira moment utak.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isat isa.

"Kythe, I have some confessions to make." Sabi nya at nagblush. Nagblush rin ako kasi ang gwapo pala nya pag nagbblush.

"Mahal na kita, Kythe. And i'm sure about it. I cant stand here looking at you with someone. Hindi ko kayang mapasa iba ka nalang." O my gosh?!? Is it real? Is it real? Dalandan dalandan. Hahaa dejk.

Tatanungin na nya ako para maging girlfriend nya?!?

Feeler much mo Kythe! Girlfriend agad. Landi!

"Do you feel the same??" Tanong nya na may sincerity sa mukha. Hindi pa rin nagbabago ang pwesto namin kaya kung matisod sya ay for sure lalanding ang labi nya sa labi ko.

"I dont know, naguguluhan pa ako. There's something inside me jumping when i'm with you. I think I like you but i'm not sure if I love you..." Hayss!! Bakit hindi ko pa sinabi!

Pabebe ka kasi Kythe...

Nanlumo ang mukha nya pero bigla ring sumaya.

"So ibig sabihin may pag asa ako sayo??" He ask with his famous smile.

"Yes??" Hindi ko sure na sagot. Yes talaga ang isasagot ko kaso nahihiya ako kaya ginawa ko nalang na question.

"Yes!!! Thank you! Thank you!" Para syang nanalo sa lotto at binitbit ako papataas. Nagulat naman ako ng yakapin nya ako. I'm so happy na parehas kami ng nararamdaman.

[Ms. K's POV]

Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasaya hindi nila alam na nasalikod ng pintuan si Tristan at inis at selos na nagmamasid sakanila.

THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon