Kythe 12: Gala 2

36 18 3
                                    


Gala 2

Sometimes joking and teasing other people can make a very cute couple.

[Kythe's POV]

Ngayong day na toh makakasama ko na talaga ang bestfriend kong si Kate. Palagi nalang kasi may excuse pag tinatanong ko kung sasama saakin. Tsk yan ang ayaw ko pag may lovelife eh nakakalimutan na nila yung mga kaibigan nila.

Toink! May tumusok sa pisngi ko. Aray ah!!

"Wake up sleep head, rub your eyes get out of bed. Let them know the wicked witch is there!" Kanta sakin ni Kate. Tsss Wizard of Oz yung kinanta. Ang pinaka hate kong movie.

"Gising na!! Wala na tayong time para mag island hopping." Napabalikwas naman ako ng marinig ko si Kristan.

"Bakit kayo nandito? Hindi man lang kayo kumatok. Paano kung..... basta halika na nga!"

Saan kaya kami pupunta??

"Pupunta tayo sa taas ng isang island na malapit lang dito. Maganda dun may secret place dun." Oops napalakas ata ang pagsalita ng utak ko.

***

And ito na nga kami..... tataas sa maatas na bundok. Hindi naman sya sobrang taas at hindi din sya sobrang layo sa tent namin kaya ilang minutes lang kami nandito na. Peroo....

"Kyyahhh!" Sabi na nga ba eh. Meron kasi akong takot sa heights.... hindi naman sobra. Pero kung ganitong open na open parang sarap magpa seatbelt ng milyon milyon.

"Kumapit ka ng mabuti baka mahulog ka. Yan tuloy nadulas ka." Sermon sakin ng bestfriend ko. Hindi nalang ako nagsalita. Oo matapang ako, pero hindi sa ganito. Nakakayanan ko naman sa mga bridge and transparent na floor kasi alam ko naman na may aapakan ako. Pero dito?? Sa wala pa sa kalahati ang inaapakan ko?? Diyos ko!

"Kythe ok ka lang?? Parang namumutla ka na." Tanong sakin ni Kristan. Magsasalita pa lang sana ako ng magblack out ang paningin ko at nawalan ako ng grip.

[Kristan's POV]

"Kythe ok ka lang?? Parang namumutla ka na." Tanong ko. Sa pagkakaalam ko si Kythe yung tipong tao na malakas ang loob at wala kinakatakutan. Pero sa mukha nya ngayon parang hindi na sya dinadaluyan ng dugo. May takot ba sya sa heights?

Bigla na lang syang nahulog at nahimatay. Buti nalang at hindi kami masyado mataas at nahawakan ko sya pero may sugat na sya.

"Kythe?? Kythe??? Kythe!?!!" Sigaw ko at tinignan kami ni Kate tapos nagmadaling bumaba.

"Kythe! Ang arte mo noh? Best actress?? Huy bangon na wala ng oras." Biro pa ni Kate.

"Kythe?? Kung nagbibiro ka lang wag ganyan!! Masama yan bestie! Kythe!" Sigaw ni Kate pero satingin ko hindi sya nagbibiro.

Mangiyak ngiyak sya at ng matauhan ay umalis na kami sa island at pumunta na sa islet namin.

Dinala nalang namin sya sa clinic ng hotel nila at pinacheck kung ok sya. Sabi naman nila ok lang daw sya kaso may pasa sya at baka sumakit ang katawan nya sa nangyaring aksidente. Whoo! Natakot ako dun ah!

"Kasalanan ko toh eh!" Sigaw pa ni Kate at umiiyak. Nilapitan ko sya para icomfort.

"Walang may kasalanan. Lahat ng nangyari ngayon ay aksidente lang."

"Hindi! Alam ko naman na takot sya sa heights pero pinilit ko parin ang gusto ko. Gusto ko lang naman ipakita sakanya yung tambayan ko dun eh." Naiiyak parin sya ngayon. Ganyan ba talaga ang mga babae?? Super emotional? Sinabi na ngang ok yung pasyente sisisihin pa nila sarili nila??

THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon