Father And SonBeing bitter isnt just about hating or bashing someone. Sometimes its a way to express lack of love.
[Kythe's POV]
Kitang kita sa mata ni Kristan ang galit, hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinigpitan ko nalang ang magkahawak naming kamay. Stay strong Kristan, hold your horses.
Umupo na kami sa tapat na upuan nila. May mga papeles sa harapan nila at mukhang seryoso ang pinaguusapan.
"Good afternoon." Bati namin ni Kristan. Namumula na ang tenga nya kaya alam kong naiinis na talaga sya.
"So bakit mo ko pinatawag dito?? Kelangan mo ng pera??" Maharas na tanong ni Mr. Ziegler. Wait lang! Anong pera?? Hindi pa naman naghihirap sila Kristan para humingi ng pera.
"Hindi namin kailangan ng pera mo. Were healthy and wealthy without you." Pinandilatan ng mata ni tita si Kristan. Hindi naman nakita yun ni Mr Ziegler kasi nakatingin lang sya saamin.
"Hindi kasi yun ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito."
"Eh bakit mo pa pinapunta yan dito?? At bakit sya pa!?" Wag muna Kristan..... hayaan mo munang magpaliwanag si tita. I know and i can sense na malaki ang dahilan.
"Because i have the right to sustain my children lalo na at may ulcer si Tristan!!!"
Lalo na at may ulcer si Tristan!!!
May ulcer si Tristan!!!
Ulcer!!! Ulcer!!!
Ulcer si Tristan!!!
Tristan!!! Tristan!!! Tristan!!!
Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Ano??? Si Tristan??? May ulcer??? No it cant be!!! Hindi pwede!!!
"Ano si Tristan may ulcer?!! Umma totoo ba??! Tell me totoo ba??!" Hindi makapagsalita si tita.
"Sabihin nyo saakin!!!!" Napatayo si Kristan pero pinigilan ko sya.
"Kristan.... hinay hinay lang." Paalala ko sakanya.
"Oo."
"Hindi ikaw ang kausap ko!! Kaya wag kang magingay dyan at buhay ng kakambal ko ang nakasalalay rito!"
"Tama ang tatay mo Kristan." So totoo nga?? Kaya ba ang tagal na nyang nawala?? Dahil ba doon??
"Ma naman. Bakit hindi mo man lang sinabi saakin. Kaambal ko yun ma! Hindi ibang tao!" Napasabunot si Kristan sa buhok nya. Kitang kita ko ang pag patak ng luha nya. Kahit ako rin hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kapatid ko. Naalala ko nanaman. Namatay nga pala si Keila.....
Tumayo si Kristan hawak hawak parin ang kamay ko. Aalis na kami iniwan si tita at si Mr. Ziegler.
"No Kristan! Let me explain!! Anak naman!! Wag kang ganyan.." Pilit habol ni tita. Kahit ako walang magawa sobrang higpit ng pagkahawak nya saakin at alam kong sa mga oras na toh kailangan nya ng kasama.
"Anaak!!" Iyak ni tita Kaithlyn.
Nararamdaman ko na yun dati naparang may tinatago si tita saamin dahil pinipilit nyang iwasan yung topic tungkol kay Tristan. And now i know na si Tristan at may ulcer at alam nyang malapit si Kristan sakanya kaya hindi nya sinasabi para hindi masira ang araw ni Kristan lalo na at nagbirthday sya.
Pumasok kami sa kotse at nagdrive si Kristan. Ewan ko kung saan kami pupunta pero sobrang bilis na ng takbo At natatakot na ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil over take kami ng over take.
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Roman pour AdolescentsKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)