ConcernYour so concern to that person yet you two are not in a relation.
[Kristan's POV]
Kanina pa ako nandito sa clinic binabantayan si Kythe. Nag skip na nga lang ako ng classes para mabantayan sya. Kung sino man ang gumawa nito sakanya mababalian ko talaga ng leeg.
"Kythe, sana ok ka lang... Hindi ko talaga alam ang magagawa ko sa taong gumawa nito sayo." Niyukom ko ang aking kamay at nagulat ng may tumulong luha sa kamay ni Kythe.. Umiiyak ba ako? Kinapa ko ang mata ko at natuklasang basa nga ito. Tss, ang bakla ko, mamaya may makakita pa saakin baka sabihin 'ano ba naman yan! Binansagang bad boy dito sa school tapos umiiyak?!' Tsss.. Nakakahiya.
"K-kristan.." Sabi ni Kythe, halata sa boses nya na nahihirapan sya. Sh*t! Sarap basagin ng pagmumukha n kung sino mang gumawa nito.
"Kythe (singhot) wag ka ng magsalita (singhot) baka mabinat ka." Sabi ko habang singhot ng singhot. Nagmukha na tuloy ako dung batang uhugin.
She just smile lightly, it's enough to make my sadness and anger go away. She's so beautiful at that moment. Effortless.
"Hey, stop staring, it's rude." Pilit kong sinasabi ng hindi nagbblush. Kanina pa kasi sya titig ng titig.
"You look like you've cried." Balik naman nyang sagot. Halata ba masyadong kanina pa ako humagulgol dito at abut abot na nagdasal na maging ok na sya?
"Hindi ko kasi mapigilang maiyak while seeing my love lying here and sleeping. Tapos nagfflashback pa saakin yung nakita ko kanina."
She tried to sit down but she quickly hold her head and starts screaming.
"Ahhh! Ang sakit ng ulo ko..." Sh*t! Anong gagawin ko. Anong gagawin ko?? Sa pagmamadali ko sa paglabas ng kwarto ni Kythe ay nabangga pa ang tuhod ko sa glas na tablr. F*ck you table! Tinawag ko na ang nurse para magamot na sya. Umupo ako sa gilid dahil feeling ko pagod na pagod amo.
"Ok lang naman sya, she just need to rest and eat kasi maghahapon na rin." Paliwanag ng nurse. Nabunutan naman ako ng tinik don.
"O sige po, thank you nurse." Pagpapasalamat ko sa nurse at bibili na ng pagkain.
"Kythe bibili muna ako ng pagkain ah!" Masaya kong paalam sakanya at nagmadali ng pumunta sa canteen. Sa 4th floor pa naman yun, can't make my princess wait.
Hoy! Hoy! Hoy! Ano yun Kristan?! May paprincess princess ka pang nalalaman! Korny mo!
Ng maka labas ako ng clinic kumaripas naman ako ng takbo para hindi mainip si Kythe.
[Kythe's POV]
Pagkagising ko kanina sinalubong agad ako ni Kristan na namumugto ang mata. Umiyak pala. Hayss.
Ano nga pala ang nangyari??
Loading...
Loading...
Loading...
Sa kakaloading ng utak ko bigla nalang sumakit ito na parang tinutusok. AWW! Tapos kumulo naman yong tyan ko. Oo nga pala hindi ako kumain kaninang umaga dahil sa sobrang kaexcitedan. Hehe.
Hindi ko talaga maintindihan yung nangyari saakin kanina pero may naalala ako pero parang panaginip lang.
Naalimpungatan ako ng may bumuhat saakin. Pero sa sobrang sakit ng ulo ay hinayaan kong pumikit na nga lang. Pero curiousity strikes at parang natetemp akong tignan kung sino man ang savior or rapist na binubuhat ako.
BINABASA MO ANG
THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLD
Teen FictionKRISTAN ZIEGLER|| Paano kung ayaw kang layuan ng iyong nakaraan na minsan ka nang sinaktan ng lubos? Magagawa mo bang ipaglaban ang kinabukasan mo? O magpapadala ka nalang sa hapdi ng nakaraan?? ^^^^ (Tagalog)