Kythe 9: Paramdam 2

46 18 6
                                    


Paramdam 2

Changing the past may not be a good thing, instead learn from your  mistakes and change the future..

[Kythe's POV]

"Babalik din ako! Hintayin mo at gagawin ko ulit na miserable ang buhay mo."

"No hindi pwede! Ayoko! A-"

"Ahhh!"

"Kythe! Gising!"

"Kristan? Tristan?" Ako ba yung sumigaw?? Well siguro nga.

"Bakit ka sumisigaw may panaginip ka bang masama??" Whoo! Buti naman panaginip lang yun. Isang masamang panaginip. Kung hindi, baka mabaliw na ako sa stress at troma.

"Tumitikhim ka pa. Bakit?? Ano ba nangyari sa panaginip mo??"

"Wala hinahabol lang ako ng manananggal." Sige mag-sinungaling ka pa Kythe!

"Halika na nga! Tinawag na tayo mga 3 minutes ago para maglinis. Ang tagal mo kasi magising eh." Marunong pala mangasar tong si Tristan ah.

Boink!

"Aray! Bakit mo pa ako dinamay sya lang naman yung nagsalita!"

"Ang cute nyo talagang dalawa." Sabay pisil ko pa sa pisngi nila.

"Syempre kami pa diba twin?" Hala! May pagkaGGSS di pala tong si Tristan. Naku!! Naga-gaya na sa kakambal nya.

"Tama!" Tapos sabay pa nilang apir.

"Ganda ng salubong nyo sakin ah!" Kanina pinagdikit ko sila ngayon pinaglayo na para makadaan naman ako.

At dahil mabigat sila nahirapan akong paglayuin sila.

"Palabasin nyo ko."

"Ayaw." Parang batang sagot ni Kristan.

"At bakit??"

"Baka mawalan ka kasi ng fans pag lumabas ka. Ayusin mo nga yang mukha mo! May panis na laway ka pa." Weh?? Hindi naman ako tulo laway pag natutulog ah.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Wala naman! Yahhh!! Naisahan nila ako dun  ah!

"Humanda kayo sakin!" Tumakbo sila na mas mabilis pa sa kurap ko. Bwuahaha! 1 point for me.

Hayss! Magli-linis pa nga pala kami ngayon. Bakit naman?? Eh malinis na toh?? Magta-tanim na nga lang ako.

Meron kasing team na magli-linis at may team na magta-tanim. Kaya magta-tanim nalang ako.

Kinuha ko na ang shovel at ang plant na ita-tanim namin. Sabi naman nila maayos naman ako mag tanim kaya hindi mama-matay agad ang tinanim ko.

"Tapos na!" Isa.

Magta-tanim kami ng tatlo kaya may dalawa pa akong ita-tanim.

"Saan kaya maganda mag-tanim?" Magta-tanim nalang ako kung saan walang nagta-tanim. Para pag pumunta ulit kami dito malalaman ko agad kung asan yung tinaniman ko.

Mahirap hirap tong isa kasi seed lang talaga sya. Hindi katulad nung una kong tinanim, plant na.

Naghukay na ako at nilagay ang buto sa loob at tinakpan. Sabi ni Ms. Cruz na laliman daw namin para hindi agad mahukay ng mga ibon o kaya ma-apakan ng mga tao.

"Tapos na." Dalawa.Whoo! Naka-kapagod din pala maging magsasaka. Isa nalang at tapos na ako.

Hapon na mamaya ko nalang ita-tanim yung isa. Kakain muna ako.

Pumasok na ako sa hotel. Simple lang ang design nila pero ang sarap tignan. Relaxing kasi ang kulay, light blue at merong white na parang kulay ng sand.

Kumain na ako at lumabas ulit. Ang sarap din ng ulam nila. Ngayon nalang ulit ako nakakain ng adobo.

Matatapos na!! Tatakpan ko nalang. Pero natigilan ako ng mag-flashback ulit sakin ang promise nya at ang bangungot ko.

"Walang iwanan ah! Forever na tayong magsasama. I love you!!"

"Babalik din ako! Hintayin mo at gagawin ko ulit na miserable ang buhay mo."

Bakit ba hindi nalang nya ako iwanan ng todo? Tutal iniwanan na nya ako hindi pa talaga sinagad. At hindi ba nya gustong mamuhay ng masaya at gusto pa nyang gumawa ng kababalaghan??

Hay nako Kythe! Iniisip mo nanaman yun!

Erase!

Erase!

Erase!

Erase!

ERASE!

Akala ko mae-erase na pero parang mas umulit ulit yung mga sinasabi nya. Parang sirang plaka na hindi maalis sa isip ko.

"Ahhhh!!"

"Oh beautiful?? Mag isa ka lang dyan sumisigaw ka pa. Tell me may problema ba??" Ayan na nga ba ang sinasabi sayo Kythe eh! Magmu-mukha ka lang sira ulo. Eh naka-kasira kaya ng ulo! Ughhh wag na nga kayo maingay dyan sa loob ng utak ko!

"Ahh wala may naisip lang ako." Matapos na nga tong tinatanim ko at magdi-dilim na rin.

"Tapos na!" Tatlo. Salamat naman at natapos ko na! Ang sakit na ng braso ko.

Pagkapasok ko ng tent nanood na lang ako ng Hopeless Romantic.

"Huhuhu! Buti pa sila talagang may forever! Huhuhuhu!!! At buti pa si James Reid ginagawa yung mga promise nya. Huhuhu!" Samantalang yung magaling na tao na yun... wait tao pa nga ba sya sa mga ginawa nyang masama sakin. O sige rephrase that. Samantalang yung demonyong yun!! Napakademonyo talaga! Ang sama sama!

Hanggang ngayon alam na alam ko parin ang lahat na nangyari. Lahat lahat ng ginawa nya lahat lahat ng masaya at memorable na memories namin. Lahat lahat.

Saktong sakto yung kanta ni Taylor swift samin. Red.

Loving him/her was like
Driving a new maserati down a dead end street
Faster that the wind pasionate as sin
Ended so suddenly.

Napalapit na agad ang puso ko sakanya nung una palang. Kasi nasakanya na talaga yung gusto ko. Kaso mali pala ako ng akala. Sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala. Buti nga ako muntik lang.

Loving him/her was like
Trying to change your mind
Once your already flyin to the free fall
Like the color of autumn so bright
Just before they lose it all.

First ko sya. Sya yung minahal ko ng sobra at tinuring ng pamilya. Kasi sya ang unang tao na pinagkatiwalaan ko. Oo una. Sya ang una kasi hindi naman ako super open sa parents ko, kaya sakanya ko sinabi ang lahat ng dark deep secrets ko at minahal ko sya ng sobra.

Losing him/her was blue like I never known
Missing him/her was dark grey all alone
Forgeting him/her was like trying to know someone you never met
But loving him/her was red
Loving him/her was red...

Tagos sa puso yung kanta. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Should I let go or should'nt I?? Ka-kayanin ko ba kung mahal ko pa??

*****

Author's note

Guys take note sa mga sinasabi nya from the very first chapter or prolouge to the last chapter in specific. Kasi totoo lahat ng sinasabi nya. Look at the different side. Baka makakuha kayo ng clue. Well sino nga ba ang tinutukoy nya diba?? Malalaman nyo din yan for now i-enjoy nyo muna ang fieldtrip nya. Thanks Rs for reading and stay tune to Kythe's destiny. Vote and comment please?? I♡U

- Ms. K

THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon