Kythe 13: Unexpected

36 17 3
                                    


Unexpected

Don't run away from your problems, it's like driving so fast that can cause you harmed.

[Kythe's POV]

Pagkagising ko nakita ko na agad ang mga taong nagkalat sa labas at nageexercise. Nakita ko din ang bestfriend ko na nakaupo sa bench at nagccellphone. Parang ang big deal naman sakanila ang contest na toh. How competetive. Ang dali dali namang magpapizza party eh!!

Nagsimula na silang magrupo grupo para naman masimulan na ang so called contest nila. Pshh! Kahit ano talaga mangyayari hindi ako sasali dyan. Pag sumali ako parang pinapasok ko na ulit sya sa buhay ko.

"Kythe hindi ka ba talaga sasali??" Naka pitong tanong na nila yan sakin.

"Hindi na talaga magbabago ang desisyon ko. Kaya wag nyo na ako tanungin at baka maubos lang laway nyo." Bitter kong sagot. Ganyan talaga ako pag nabbring up yung tungkol sa masakit ko na past. Mas worst nga dati eh nakakasakit pa ako ng tao. Pero kahit tinatanong nila ako kung bakit ako nagkakaganito hindi ko parin sinasabi sakanila.

"Pero sana mag iba talaga ang isip mo. Kasi satingin ko magaling ka talaga dyan sa volleyball." Pangungulit ni Kate saakin. Whoo! Kalma lang Kythe!! Baka madamay mo pa ang bestfriend mo.

"Sige, panuodin mo nalang kami ah!" Masiglang sabi ni Kristan. Alam ko naman na pinapasaya nya ako pero satingin ko tatagal pa tong bad vibes na toh. Sana lang wag.

"Wish us luck!" Sabay nilang sabi sabay yakap sakin.

[Tristan's POV]

Simula nung napag isipan kong layuan si Kythe lumayo muna din ako kay Kristan. Sinasabi ko nalang na busy ako, hindi ako makakasama, pagod, may gagawin na iba, oh wala sa mood. Buti naman at hindi na nila tinatanong kung bakit.

Trinatry ko talagang lumayo sakanila hanggang maari para maalis na rin tong pagmamahal ko kay Kythe. Tristan kala ko ba madali kang kumalimot ng naramdaman?! Peste kasi tong puso ko...... Traydor! Magsama sila ni papa parehas silang traydor! Ano bang ginawa ko para traydorin nila ako ng ganito.

Kasama ko ngayon ang kaklase ko na naging kaibigan ko rin dati.

Isip ako ng isip tungkol sa pagttraydor saakin at natauhan nalang ako ng makita ko nalang na niyakap ni Kristan si Kythe. Pati rin pala ang mata ko traydor, hindi ko man lang namalayan na kanina pa ako nakatitig sakanya. May kumirot sa puso ko na parang gusto ko din gawin ang ginagawa ni Kristan kay Kythe. I miss her so much. Hindi ako nagseselos noh!

"Huy Tristan! Magsisimula na yung contest!" Psh! May tinitignan pa eh!..

"Bakit ka sumisigaw?" Mahinahon kong sagot. Mga babae nga naman hindi macontrol ang bunganga nila. Simula nung day 5 namin dito sa islet tahimik na ako at hindi na masyado nagsasagot sa kateam mate ko.

"Kanina pa kaya tayo tinatawag." Mahinahon din nyang sagot.

"Halika na nga." Yaya ko sakanya at inakbayan sya. Pahiya konte ako dun ah. Ganyan na ba talaga ang epekto sakin ni Kythe?

"Ladies and gentlemen, lend me your ears as I pronounce that the contest of beach volleyball is now starting." Panimula ng announcer.

Natapos na ang 3 games namin at nanalo naman kami. Madami dami din ang mga magkakagrupo kasi gusto ng mga teachers na lahat ay sumali. Ewan ko ba kay mama at naisip nya tong mga toh. Buti nalang talaga at mama's boy kami kaya hindi ko sineseryoso ang pagkakagalit ko sakanya.

THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon