Kythe 25: Thoughts

41 15 2
                                    


Thoughts

Don't jump into conclusions, it might hurt you without even knowing the truth.

[Kythe's POV]

"Vanessa..." Parang sarap tumakbo sa nakikita ko. Umiinit na rin ang gilid ng mga mata ko.

Hinalikan pa ulit nung babae si Kristan sa kabilang pisnge at sumimangot.

"Anong Vanessa?!?! Walang ate?!?! Nawala lang ako ng saglit, wala ka ng galang??!" Huhh??

"Ate naman eh! Syempre nagulat ako at para ngang mas bata ka pa sakin kung kumilos!" Natatawang sabi ni Kristan.

Hindi ko gets!

"Hmpp! Wag mo nga akong iunderestimate! Tandaan mo black belter ako!" Umakto pa itong parang sasapakin si Kristan.

Tapos aksidente kong nahulog ang bag ko kaya pinulot ko agad yon.

Napalingon sila saakin sabay ng pagbaba ni Ms. Veronika.

Biglang nanlaki ang mata nung ate ni Kristan at nagtatatalong lumapit saakin.

"Keira Blythe Hathaway?!?! Ikaw ba yan?!?!" Kilala nya ako.

Tapos bigla nalang kumunot noo nya at tumingin kay Kristan.

"Ikaw naman! Hindi mo sinabi sakin na kayo na ng favorite kong actress! Oh my gosh oh my gosh! Nanghihina ako wait." Kalma nya sa sarili nya at pinaypayan ang sarili gamit ang sarili nyang kamay at umupo sa tabi ko.

Sino ba talaga sya??

"Hi Ms. Keira! Ako si Vanessa Katherine Ziegler.. Ate Kath nalang. Kapatid ng bruho na toh!!" Masaya nyang bati saakin sabay bigay ng kamay. Tinanggap ko naman yun kahit naguguluhan pa ako.

"Ako ang number 1 fan mo! So tell me paano mo naalo ang puso ng kapatid kong bruho na playboy. Kayo na diba??" Masayang tanong nya. Hindi nga ako makasalita sa sobrang bilis ng salita nya at hindi na malunon ng utak ko yung mga pinagsasasabi nya.

"Unnie naman eh! Ang ingay mo! Nililigawan ko pa lang sya!" Namumulang sabi ni Kristan at napakamot sa batok nya.

*Click!*

Nabigla ako ng picturan ni Ate Kath si Kristan. Tapos takbong lumapit kay Ms. Veronika at tumawa.

"Hahahaha! Umma oh! Tignan mo si Kristan! Nagbibinata na! Namumula na hahaha!" Tinuro pa nya yung camera nya at humagalpak ng tawa.

Bigla namang lumapit si Kristan at akmang kukunin kay ate Kath ang camera kaso tinaas yun ng kapatid nya. Eh mas matangkad sya kaya nakuha nya yun.

Tawang tawa na ako ng inis na tumatalon si ate Kath para makuha yung camera pero hindi nya makuha yun kaya tinuhod naman nya si Kristan.

Umupo lang sa tabi ko si Ms. Veronika at ngumiti habang napapailing.

Tinignan lang namin sila habang nagrewrestling. Dahil black belter nga si ate Kath kaya nagawa nyang kunin kay Kristan ang camera.

"Never mess with a girl. Am I right Keira??" Nakangisi nyang sabi habang nilolock si Kristan at tinignan ako.

Umoo lang ako at napangiti.

"Tumigil na kayo dyan. Para kayong mga bata!" Awat ni Ms. Veronika. Ay!!! Hindi pa ako nakaka greet.

Tumayo ako at nagbow. Alam kong koreana sya kaya ginawa ko yun bilang galang.

"Good evening po Ms. Veronika."

THAT STUBBORN GIRL | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon