Kabanata 1

249 8 1
                                    

Wakas

"Bes tingnan mo yung lalaki na nasa may bench, yung nakatalikod." ani ng kaibigan kong walang bukang bibig kundi gwapo, masarap at hot, tunay na kinain na ito ng kahalayan.

"Saan ba diyan? Madaming nakatalikod na lalaki na nasa bench, magkaiba tayo ng uri ng paningin." sabay tawa ko ng nakakaloko habang siya ay kulang na lang sumayad ang labi sa lupa.

"BES NAMAN SOBRANG SAMA NAMAN NG UGALI MO WAG KANG GANYAN ANO BA NASASAKTAN AKO HAHAHAHAHAHAHAHA EWW"

"Siraulo" bulong ko.

"Ha? ano yon bes? may binubulong ka ata"

"Wala sabi ko tara na lang magwalwal at lunes ngayon at panahon na naman ng kalandian mo."

"Bes alam mo minsan ang hard mo sa aki- WAAAAAAAHHHHHHHHH BES YAWKONA ANG GWAPO NI KUYANG NAKATALIKOD WAAAAHHHHHHH OMGEEEEE ANG PANTY KO LUMUWAG OMG OMG I CANNOT ANG GWAPO HUHUHUHUHU" sabay yugyog nya sa aking balikat.

Hindi ko naman nakita ang mukha ni kuyang nakatalikod eh, lumingon ba talaga? Ay sus babaeng ito daig pa uwak sa talas ng mata. Landi talaga. Ayaw na lang isipin kung makakapasa ba ngayong semestre.

"Alena minsan itahimik mo yang bunganga mo, pinagtitinginan na tayo dito mahiya ka naman kahit papaano payong kaibigan, kung pwede lang." pabulong kong sabi sa bestfriend kong ito.

"Hay naku bes, di mo kasi nakita kung siguro ikaw ang nakakita baka para kang bulate na inasinan sa gulo mo. Parehas lang tayo ng reaksyon palagi kaya huwag kang pasanta dyan." pataray na bawi nito sa akin sabay ismid.

"Osige na pasensya na bes."

"Gusto ko sanang ipagbunyi ang pagtawag mo sa akin ng bes pero alam ko naman na- huy saan ka ba nakatingin? Bes huyy." sinundan nya ang direksyon ng aking tinitingnan at doon mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, ang kaninang masigla ay unti-unting napapalitan ng galit at inis .

Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin sa mga oras na ito, kung iiwas ba ako ng tingin at iyuko ang ulo para maitago ang mga luhang hindi ko mapigilan o patuloy na sila ay tingnan para masaktan pa ako lalo at magising sa katangan ko. Sobrang sakit na makita sya na masaya at hawak hawak ang kamay ng babaeng ipinalit nya sa akin.

"Hayop talaga ang lalaking yan, sobrang kapal ng pagmumukha ang sarap lihain ng asis na ginamit namin noong elementary pa lang ako. ANG KAPAL TALAGA NAGAGAWA PANG UMUPO SA PABORITO NINYONG SPOT NOONG KAYO PA. WALANGYA DAPAT DYAN SINASAKO PABALIKTAD EH. NAKU BES PIGILAN MO AKO." walang preno na sabi nya na hindi ko magawang tawanan kahit na nakakatawa ang itsura ng mukha nya ngayon.

Bakit kailangang maghiwalay pa tayo babe? Ginawa ko naman lahat para ... para .. maging masaya tayo, ma.. ma..masaya ka. Ibinigay ko lahat sayo ang lahat ng pagmamahal na pinapangarap ng lahat ng lalaki pero bakit ikaw .. bakit ikaw .. ikaaa ..ikaw..ik ikaw hindi mo yon nakita? tuloy tuloy pa din ang paghikbi ko hindi ko na iniisip kung may makakakita man sa kawawang kalagayan ko basta ang mahalaga mailabas ko ang sakit na ito kahit sa pagiyak man lang.

"George, I don't know how hurt you are right now, I can't find a very comforting words to say for you to feel okay but bes always remember that na lagi akong nandito sa tabi mo, Im always willing to listen to everything you'll say either it is about happiness or pain. You're not alone in this battle. You have me, diba bestfriends tayo? If you treat me as one?" saby tawa nito kahit na halata sa tono nya ang lungkot at galit.

"Sorry.I'm very sorry." pabulong kong sabi

Hindi ko alam kung saan o sino ko ito sinasabi. Hindi ko alam kung para sa sarili ko o para kay Alena. Gulong gulo ako. Nasasaktan ko na lahat ng nasa paligid ko dahil sa patuloy kong pagmamahal sa lalaking yon. Pero wala akong magagawa mahal ko sya.

"Don't be sorry. Nagmahal ka lang o mas tamang sabihin na nagmamahal ka lang but George that kind of love will only destroy you. Sisirain ka ng pagmamahal na yan. I'm not saying you need to forget him dahil alam kong mahirap pero sana matuto kang unahin yung sarili mo."

"I know, but-"

"Accepatance. Tanggapin mo na tapos na ang kwento nyo. Sarado na ang kabanata ng librong sinulat nyo. Isipin mo na matagal ng kinalimutan ng mga mambabasa ang libro na nilathala mo dahil nilipas na ito ng panahon. Tanggapin mo na tapos na ang lahat sa inyo. Matagal ng dumating ang wakas sa panaginip mo kaya sana gumising ka at tanggapin nalang na wala na ... na wala na siya."

Tila ba nabingi ako, napipi sa lahat ng mga sinabi nya. Ganoon na ba ako katanga na kahit mismo kaibigan kong walang karanasan sa laro ng pagibig ay nasabihan ako. Pilit kong sinasabi na tama sya na dapat pakinggan ko sya pero ewan ko ba at matigas ang ulo ko at ayaw makinig.

"Listen to me George.I care for you kaya sinasabi ko ito"

Hindi ko alam kung ano. Basta alam kong dapat may gawin ako. Pinahid ko ang aking luha at muling sumulyap sa lalaking aking minamahal na masayang tumatawa kasama ang bago nya. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ako makahinga. Ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko pero wala akong lakas na ilahad ito.

"Tara na Alena may klase pa tayo." sabi ko na parang walang nangyari pero muli ay napakunot ang noo ko sa nahagip ng aking mga mata ang lalaking nakatalikod sa bench ay nakatingin sa gawi ko at malinaw na malinaw na madilim ang kanyang ekspresyon. Bakit?

"Osige tara, si tandang sora nga pala ang prof natin" sabay tawa nito ng parang baliw, kakaiba talaga.

Unchained LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon