Scene 15

3.5K 46 12
                                    

Phoebe’s POV

“Is everything set?”, mahinahong tanong ni Mico sa amin sa backstage. Today is the final performance sa musical na pinaghirapan naming lahat for the past 2 months.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang kakalmahan niya habang halos lahat kami ay nagkukumahog.

 “Yes Mr. Pres” sagot ng karamihan sa amin.

“Okay everybody standby” utos niya sa mga cast and crew pero bago pa sila makalabas lahat ay sineyasan ko muna sila para mag-picture taking kami.

“Kompleto na silang lahat ikaw na lang ang kulang.”,untag ko kay Mico.

“Sige na” pamimilit ko sa kanya na tinulak pa siya ng marahan.

“Oo nga Mr. Pres. Lika na!”yaya sa kanya ng iba.

Napapangiti naman ako. Gusto ko ang buong music club dahil kahit anong sungit ni Mico ay hindi sila nagpapa-intimidate at hindi nila sini-seclude si Mico.

Pero napalis ang ngiti ko at napalitan ng kabog ng dibdib ng hawakan niya ako sa kamay. Kamay mismo hindi sa braso, hindi sa malapit sa kamay kundi sa kamay mismo.

“Huh?”nagtatakang tanong ko sa kanya.

Bigla akong pinagpawisan ng malapot atsaka wala sa sariling tiningnan ang kamay nya na nakahawak sa kamay

“Hindi kami magiging kompleto kung wala ka doon”, sabi niya na  hinihila ako.

“Te-teka walang kukuha sa atin”,dahil yata sa kaba ay nauutal ako. Saka niya napansin na nakahawak siya sa kamay ko.

“Anong gamit ng timer at stand ng camera mo kung hindi mo gagamitin”, sabi nya atsaka unti-unting binitawan ang kamay ko para kunin ang stand ng camera ko.

Kahit na parang tuliro pa rin ako ay sumunod na lang ako sa kanya. Napapangiti ako ng lihim.

Mukhang malapit ko na siyang mapa-oo sa hinihingi kung date sa kanya. Hindi siya umayaw sa hinihingi ko sa kanya noong natalo siya. Hindi rin naman siya umoo. Ang sagot lang niya ay “I will think about it.”

Kukulitin ko pa sana siya pero dumating naman sila Kuya. Masaya na din ako dahil simula noon ay parang bumalik na ako sa pagiging visible sa kanya.

“Okay everybody position” nakangiting sabi ko sa kanila habang  inaadjust ang lense ng camera.

“Okay na ba yan?” bulong sa akin ni Mico na hindi pa rin umaalis sa tabi ko.

“Ahmmmmm oo” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Lika na!” sabi nya sa akin sabay hawak sa braso ko saka dinala sa umpukan ng mga kasama namin.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon