Phoebe’s POV
“Ingatan mo yang kapatid ko Mico huh, huwag masyadong pakikiligin at baka maunahan pa ako sa pagkakaroon ng mga anak nyan”, nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya kay Mico.
We’re going back to the Philippines. Hindi kami nakaabot ng dalawang buwan dito sa New York dahil tinawagan si Ate Sam tungkol sa isang offer at ito namang si Mico ay in-demand sa pagiging composer niya.
I was in awe sa sinabi ni Kuya dahil during our stay here in NY ay halos hindi niya palapitin si Mico sa akin dahil gusto daw niya sa Pilipinas ako ligawan ni Mico.
Kung magyayaya sa akin si Mico ay hindi pwede kung hindi sila kasama ni Ate Sam which happens only five times.
It was odd that during my stay here ay palagi na lang akong nahihilo. Hindi naman masakit ang ulo ko but sometimes I feel so weak.
Kaya nagkakasya na lang kami nina Ate Sam at Mico na palaging nanonood ng movie sa media room ni Kuya.
“Kuya!”, pinandilatan ko ng mata si Kuya sa sinabi niya.
“I love you Phoebe pero sana magpakipot ka naman ng kunti huh. Gusto kong maging ama muna bago maging uncle”, napamaang na lang talaga ako sa pinagsasabi nitong si Kuya.
What’s with him?
“Pero don’t worry Phoebe”, bulong sa akin ni Kuya.
“I am planning already for the big day”, napangiti ako ng maluwang sa sinabi ni Kuya.
“Hmmm sino kaya ang susunod sa binilin ni Kirk, is it you or me?”, nangangantiyaw na sabi sa akin ni Mico.
“I bet ako dahil pahihirapan talaga kita bago kita sagutin”, ganting kantiyaw ko sa kanya.
“BABES!”, hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman ko kung sino ang maingay na tumatawag sa akin.
Muntik na talaga akong mapahalakhak ng maramdaman ko ang possessive na kamay ni Mico sa bewang ko.
“It’s good that you made it”, nakangiting bati ko sa kanya kahit nalukot ang mukha niya. Paano ba naman ang sentimyento niya ay isang buwan kaming nagstay ay hindi man lang daw niya nahawakan maski ang kamay ni Mico.
Kaya binigyan niya ako ng makahulugang tingin.
“Can we talk?”, narinig kong sabi ni Mico sa kanya.
Muntik na akong mapahalakhak ng makita kong biglang namula si Ricky.
Sira talaga ‘tong Pogay na ito. Hindi ba nya napansin na ang sama ng tingin ni Mico sa kanya at nakuha pa talagang magblush?
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".