Phoebe’s POV
“Nag-rejoice ka ba Baby Girl?”, nagtaka ako sa tanong ni Ate Thea. Weird dahil sa tagal na naming naging magkaibigan ngayon pa lang siya nagtanong sa shampoo ko.
“Hindi Ate, bakit?”, inosenteng sagot ko sa kanya.
“HABA KASI NG HAIR MO EH”, duet na sagot nilang dalawa ni Ate Dana.
“Hindi naman masyado ah”, sabi ko sabay turo sa below shoulder level ko na buhok.
“Ay Jusmiyo ang inosente talaga”, napalatak na sabi ni Ate Dana habang si Ate Thea naman ay ang laki ng ngiti.
Sasagot pa sana ako ng makuha ang aming atensyon sa collective gasps ng mga kasama namin ngayon dito sa beach.
Nandito kami sa open area ng beach kung saan gaganapin ang party ng athletic community ng AU.
Tradition na daw nila ito na they will have a talent gala ng mga atheletes.
Then we saw the source of the collective gasps ng hindi lamang ng mga kababaihang taga AU kundi pati na rin sa mga kababaehang napapatigil pa talaga sa paglalakad kung mapapansin ang kinatatayuan naming lugar.
Hindi naman kasi sa pagmamayabang AU is abundant of God-well-made creatures.
Then we saw Van and Mikee both topless.
Kaya pala halos mapugto na ang mga hininga ng dalawang katabi ko ngayon while eyeing the two who are flaunting their bodies.
After the gasping ay natahimik naman halos ng kababaihan when the two of them do their own rendition of Abra and Chito M. collaboration of Diwata.
They give the song a different version na kung makakarinig sana sina Chito sa dalawa ay tiyak na matatawa lang siya but the female audience did not mind their voices. They are drooling on their abs.
“Na turn off ba kayong dalawa?”, tanong ko kina Ate Dana at Ate Thea na tila naengkanto during the performance ng dalawa na ngayon ay tila proud na proud sa ginawa nila dahil sa pakaway-kaway pa talaga ang mga ito.
“HINDI AHHHH”, sabay nilang sabi at saka sabay din silang nagtakip ng kaniya-kaniyang bibig.
“Oyy nagdadalaga na ang dalawa kong Ate”, tudyo ko sa kanilang dalawa.
But they did not have the chance to answer ng magsalita si Mikee.
“We’ve been together for almost four years from now but this year is different. The very anti-social Vice-captain who will become the soon-to-be-captain of AU’s basketball is miraculously with us right now”, halos lahat ng tao sa beach ay napatawa sa exaggerated na banat ni Mike na alam naman niya na ang tinutukoy ay walang iba kundi si Mico.
![](https://img.wattpad.com/cover/8045210-288-k710441.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".