Phoebe’s POV
“Wow!”, parang bata akong napapalakpak sa pagkaaliw habang nakamasid kay Tito Anton habang nagluluto siya ng popcorn. Ang galing lang talaga niya dahil hindi siya natatakot na baka matalsikan siya ng mga popcorn.
Napilit ko nga lang siya na manunuod ako sa pagluluto niya.
“Can I?”,nagbabakasakali ako na pasusubukin niya akong palitan siya sa pagluluto.
“Kumain ka nalang diyan. Alam naming kung gaano ka ka-disastrous sa kusina”, napahiya naman ako sa sinabi ni Tito Anton kaya napaupo na lang ako pabalik.
Balik din ako sa pagpapalakpak habang patuloy din siya sa pagluluto.
“Nakung bata ka, para ka namang nanunuod ng isang sikat na culinary chef sa reaction mong yan”, medyo light na sabi ni Tito Anton pero hindi pa rin siya nakangiti. Hindi masyadong uso sa kanya.
“Eh Tito kasi bobo ako pagdating sa kusina”, nakapout na sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya sa sinabi ko.
“Tawagin mo na si Mico at ng makakain muna kayo bago kayo maglakwatsa”, seryosong sabi ni Tito Anton.
Magaan ang mga paa ko papunta ng kwarto ni Mico.
Nang bigla akong napatigil nang papanhik na sana ako sa hagdan. Nakita ko kasi si Tito Rex. Ang sama ng tingin niya sa akin.
Yumuko na lang ako sa kanya at saka nilagpasan siya. Ang sama naman kasi ng tingin niya. Para bang galit na galit siya sa akin.
Malapit n asana akong makahinga ng maluwag dahil malalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita.
“I still don’t like you”, simple niyang sabi pero hindi simple ang epekto nito sa akin.
“Tito”nasambit ko na lang.
“Don’t call me Tito. Hindi tayo magkaano-ano. Si Mico lang ang pwedeng tumawag sa akin ng Tito. Call me Sir”, napakagat labi na lang ako sa sinabi niya.
“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Mico sa iyo at napalapit ang loob niya sa iyo pero you can’t fool me. Isa ka lang rin sa mga babaeng pilit na pumapasok sa buhay niya dahil sa kung meron siya. Paano kung sasabihin ko sa iyo na hindi naming pamamanahan si Mico ng kahit isang kusing? Iiwan mo rin ba siya? Then he will just suffer same as Dad and Kuya experienced?”
Mas dumiin pa ang pagkagat ng sarili kong labi sa narinig ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/8045210-288-k710441.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".