Phoebe’s POV
“Gusto mo ipa-trace natin ang mga finger prints sa papel na nakuha mo?”
“O di kaya ay maghire tayo ng private investigator.”
“Maybe we should have a reward money sa makakaturo kung sino ang mga gumawa nun”
I just look at them amusingly.
Ito lang naman ang mga suggestions nina Ate Nica, Mikee and Keith respectively nang nalaman nila ang insedente kahapon.
“Itigil nyo na nga yang pagka-OA ninyong tatlo.”, natatawang sabi ni Ate Sam sa kanila.
Hindi lang pala pareho kami ni Ate Sam na maganda pareho pala kaming mag-isip.
Hindi na ako nagtataka kung bakit si Ate Sam ang first and last girlfriend ni Kuya.
“Stop grinning like an idiot”, bulong sa akin ng katabi kong si Mico.
Nagkaroon kasi kami ng emergency meeting/get-together dahil sa nangyari that includes Ate Sam, Kuya Kirk, Ate Nica, Kuya Marky, Keith, Mikee, Mico and me.
Advantage talaga sa akin na magkaibigan si Mico at Kuya.
Inirapan ko siya at ngumisi ako. May naisip ako pambawi sa pagsabi niya sa akin ng idiot.
“Guys tama si Ate Sam, huwag na nating pansinin ang mga walang magawa sa buhay nila.”, I said smiling like a beautiful idiot.
“Eh paano kung sa susunod ay hindi yan lang ang gawin nila sa iyo?”, may bahid na concern akong nababanaag sa boses ni Kuya.
“Oo nga P, dapat mag-ingat ka.”, segunda naman ni Ate Sam sa Kuya ko.
“Don’t worry Ate Sam hindi naman siguro nila ako sasaktan physically at kung pagbo-broadcast lang nila ng kung ano-ano ang gagawin nila ay wala akong problema, may tutulong naman sa akin eh”
“And who is that?”, tanong ni Kuya na nakakunot pa ang noo.
“Si Mico”, pasimple kung sabi.
Nakita kung mas kumunot ang noo ni Kuya habang si Ate Sam naman ay humahagikhik.
Si Ate Nica naman at si Kuya Marky ay nagtatakang tumingin kay Ate Sam.
Habang si Mikee ay nakangisi pa rin as usual at si Keith naman ay nakatingin sa akin with his unusual way of looking.
“Kailan ka pa naging matulungin Pareng Mico” tanong naman ng nakangising si Mikee.
“I did not help her, hindi ko lang kayang makitang may isang tisay na kangaroo sa hall way, trying to jump as high as she can para maabot ang mga papel.”, sabi niya na hindi pa rin inalis ang mata sa bagay na hawak-hawak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/8045210-288-k710441.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".