Phoebe’s POV
“Hey are you okay?”, untag sa akin ng pagkaganda-gandang bride na si Ate Sam. This is their wedding day.
I should be happy pero wala eh para akong namatayan ng makita ko kung sino ang nakaangkla sa bisig ni Mico ngayon.
I wanted to run towards Jenica and confronts her on what her mother did to me more than 10 months ago. Alam ko na ako ang nagdesisyon na lumisan but I was push to do that because of what her mother did to me.
I am facing the consequence because of what they did. The man I love is disgusted about me right now. Hindi ko ugaling manisi pero hindi ko mapigilang makaramdam ng ganun.
“Ate I’m sorry”, d@mn those tears, hindi pa ba sila sawang maglabasan? Kung pwede nga lang sanang magka-amnesia ng kahit isang araw ay papayag ako para kahit sa isang araw na yan ay makalimutan kong umiyak.
“No need to say sorry P, I know you can make his heart soft again. Kulitin mo ulit”, natatawang sabi ni Ate Sam na mas lalo niyang ikinaganda.
Tumawa na lang ako ng pilit. Ayokong sirain ang araw nina Ate at Kuya pero napaisip ako na kung naging madali sa akin ang pag-iwan sa kanya dahil sa mga maling akala ko I will make sure na this time I will try my best kahit na mahirapan ako.
~~~~
“Baby? Are you fine?”, tanong sa akin ni Mommy Ann pagkatapos ng kasal ni Kuya at nandito na kami sa reception area. Napagod ako during the wedding dahil as expected may obligasyon ako as maid of honor ni Ate Sam kaye heto ako ngayon nakaupo sa may garden area ng reception hall.
I’m happy for Kuya Kirk and Ate Sam but I am not in the mood para pumasok. Hindi ako nag-iinarte pero I’m afraid of seeing the two of them together.
“Just a little bit tired Mom”, nakangiting sagot ko.
“Follow me in a bit at magsisimula na program okay?”, tinanguan ko lang si Mommy bilang tugon ko.
Ipinikit ko ang mata ko atsaka sinandal ang ulo ko sa inuupuan ko. Gusto ko lang damhin ang katahimikan ng lugar.
“So your back huh”, naulinigan ko na may nagsalita sa likuran ko and honestly I’m not surprise to see her. I am expecting this one simula pa ng makita ko siyang natigilan ng makita niya ako.
She is still the same. Nandun pa rin ang dating niya na mayabang.
“Obviously, nakikita mo naman ako dito di ba?”, I didn’t suppress my irritation.
“Manggugulo ka na naman sa amin ni Mico”, gusto kong tumawa sa mga binitawang salita ni Jenica. Alam ko na galit sa akin si Mico pero mas alam ko na walang sila ni Mico. Gaya pa rin ng dati ang turing sa kanya ni Mico.

BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".