Scene 10

3.8K 40 17
                                    

Phoebe’s POV

 “Zy congrats!!!” masayang bati sa akin ni MIkee.

“Libre naman dyan Athena!” sabi naman ni Keith.

Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam na nanood rin pala sila.

At ang mas nakakatuwa pa ay may dala-dala pa silang banner para sa akin.

Ang cute nilang dalawa talaga.

At dahil sa katuwaan ko ay nayakap ko silang dalawa.

“Thank you”, I whispered to them.

“Para sa iyo Athena we will do the things that make you smile”, seryosong untag ni Keith at dahil sa kaseryosohan ni Keith ay napabitaw ako sa kanila.

Medyo naging awkward ang pakiramdam ko.

Why I have this feeling that Keith has something for me?

Hindi yung pagtinging- kapatid like what I feel Mikee treats me.

“Ang seryoso Pare ah”, nakangiting sabi ni Mikee sabay tapik sa balikat ni Keith.

“I am serious about Phoebe”, sabi ni Keith looking so weird.

Mabuti na lang at may nagsalita sa harapan namin.

“Congrats girl” pukaw sa amin ni Jenica na parang opposite yata ang hilatsa ng kanyang mukha sa sinabi nya.

“Thanks Jenica and I am so sorry about the result”, I said ignoring her smirk.

“Well that’s life, wala kasi akong makakapitan para makapasok sa MUSIC & US unlike others”, may parungit sa boses na sabi ni Jenica.

“I bet ang saya mo na ngayon dahil sisikat ka na. Hindi ka ba nakokonsensya na ako dapat ang nasa lugar mo ngayon? Ako sana ang makikilala sa buong campus dahil ako ang nakakamit sa matagal na inaasam ng maraming kababaihan ang mapabilang sa sikat na club dito sa AU?”

Hindi na lang ako nagreact at inintindi ko na lang siya kasi baka medyo bitter pa siya sa hindi nya

pagkapasok ng club.

“You think na ganyan ang ang pamantayan ng MUSIC & US?”, napaigtad ako ng marinig ko ang baritonong boses ni Mico na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin.

“I- I don’t know”, nauutal na sabi ni Jenica. Who could not stammer in front of him, when he is looking at you disgustingly and annoyingly?

“Tsss we made our right decision not to include you in our list. Marurumihan mo lang pala sana iyon.”, I am awed at the moment.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon