Scene 28

2.2K 38 20
                                    

Phoebe’s POV

To Keith:

 

Pakidaan na lang sa dorm ang pizza. Yung mga gamit mo nandun lang sa caf. Just ask the guard. May emergency lang.

I don’t want to talk to anyone right now. Nakaka-drain ng energy ang eksena namin ni Mico sa cafeteria.

Nagsisisi ako sa mga nasabi ko. Parang kinawawa ko ang sarili ko.

Saan na ang Phoebe na hindi nasasaktan kahit na niloko lang pala ng naging nobyo niya?

Saan na ang Phoebe na nakuhang ngumiti kahit na nalaman niya na ang naging boyfriend niya in 6 months ay bakla pala?

I miss that girl so I think it’s time to bring her back.

Nang makapunta na ako sa parking lot ay nakita ko si Kuya na may kinukuha sa bulsa niya.

Teka ano yun?

Singhot! Singhot!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Kuya na magsisindi ng sigarilyo.

“KUYA HUWAG!”

“Bakit po Ma’am?”, takang tanong niya sa akin.

“May ibang amoy Kuya, amoy gasolina”

Nakita ko namang suminghot-singhot si Manong Guard.

Nagmamadali kong pinuntahan ang motor ko. Then I saw my motorbike. May tumatagas na gasoline.

“Kuya sinong lumapit sa motor ko?”, I tried not to sound angry.

“Eh Ma’am kasi po….”

“Anong problema Kuya? Huwag mong sabihing iniwan mo ang pwesto mo kanina?”, protocol kasi sa kanila na dapat hindi nila iiwan ang pwesto nila para maiwasang may mapakialaman na sasakyan.

Iyan din ang rason kung bakit madaming security guard dito sa AU.

“Kasi po Ma’am may isang batang tawag ng tawag sa akin kanina kaya sinundan ko ang boses pero hindi ko din naman nakita ang nasabing bata”

Gustuhin ko mang  pagalitan si Manong Guard ay hindi ko ginawa.

Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. First ang kotse ko ngayon naman ang motor ko.

Did somebody really want me to get hurt?

Kung meron man sino kaya?

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon