Phoebe's POV
“Paz?”narinig kong sabi ni Mico habang nagsasayaw kami. Hindi ko mapigilang mapapikit habang pinapakinggan ang malakas na tibok ng puso ko.
Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko lang siyang hinihimas ng marahan ang buhok ko.
“Am I doing okay?”, bulong niya sa akin ng hindi ko siya sinagot.
Napatango lang ako. Ayokong magsalita, ayokong maputol ang mahikang parang nakabalot sa buong sistema ko ngayon.
“Do you know that you are my first dance?”, napapikit ako sa malamig na boses ni Mico. Bakit ba ang daldal niya ngayon?
Lumunok muna ako bago nagsabi ng mahina kong “Ok”
Nang bigla kong naramdaman ang pagluwag ng pagkayapos niya sa bewang ko at saka tiningnan niya ako sa mata.
“You don’t like this?” kunot noong tanong niya sa akin. He look so worried.
Ano daw hindi ko gusto? Sinong may sabi? Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa pagsasayaw niya sa akin.
Napangiti ako saka pinisil ang ilong niya.
“Ibalik mo na nga yang kamay mo sa bewang ko at ang pagkalas mo ang hindi ko gusto”. Hindi ko talaga alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para sabihin sa kanya iyon. Siguro sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Akala ko ay iirapan niya ako pero nakita ko siyang ngumiti at saka umiling. Guguho na sana ang napakalakas na disappointment sa dibdib ko sa nakita kong pag-iling niya pero agad itong nawala ng maramdaman ko muli ang mainit niyang braso sa bewang ko.
“Eh bakit ang tahimik mo, which is very strange”, inirapan ko siya.
“Why here Mico, why not there?”, hindi ko talaga matiis na hindi siya tanungin. Ang lawak naman ng dance floor bakit dito pa sa gazebo kung saan parang nakakakita ako ng mga bituing sumasayaw.
“Don’t you like it here?” tanong niya sa akin.
“Gusto pero ….”
“Good.. akala ko palpak ang itinuro sa akin ni Tito james” putol niya sa sasabihin ko saka tumawa ng marahan.
Alam ko na kung titingnan ko siya ngayon ay makikita ko na naman ang boyish side nya.
“Ano bang itinuro niya sa iyo?” curious na tanong ko. hindi ko kilala personally ang Tito James niya pero nabanggit niya sa akin na sa tatlong Tito niya ay pinakamalapit siya rito.
“Sabi kasi niya na ang mga babae gustong maramdaman na special sila by making them feel na hindi sila kapareho ng ibang babae.”
Halos hindi na ako makahinga ng binanggit niya ang salitang special.
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
NouvellesStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
