Phoebe’s POV
“Si Mico ba yun?”, tanong sa akin ni Ate Thea ng mapansing natigilan ako pagkatapos ng tawag.
Tumango ako. Ayaw ko munang magsalita baka maiyak pa ako.
“Asan na siya ngayon?”, tanong naman ni Mikee.
“Ahmm di daw muna siya makakapunta dito kasi may emergency daw”, nasabi ko na lang sa kanila.
“Asus kaya pala ganyan ka kalungkot Baby Girl”, pagbibiro ni Ate Dana.
“Cr muna ako guys”, paalam ko sa kanila dahil feeling ko ay anytime ay magbe-break down ako at idagdag pa na parang nahihilo ako.
I stayed at the cr for almost ten minutes at pagbalik ko ay napansin ko na medyo tumahimik ang loob ng bar.
Then suddenly ay biglang bumaha ang liwanag sa paligid ng bar at sa gitna kung saan nakalagay ang isang maliit na stage na may malaking monitor ay nagflash ang
HAPPY BIRTHDAY PHOEBE!
Then I saw them holding in front na may kaniya-kaniyang dala. May cake, balloons, stuff toys and flowers.
I’m happy to see all of them but I know deep inside of me na may kulang. Kaya siguro napa-teary eyed ako habang humahakbang papalapit sa kanila.
“Surprise!!!!”, sabay nilang sabi saka kanya-kanyang beso sa akin.
“I hope we make you happy kahit wala yung boyfriend mong hilaw”, bulong sa akin ni Ate Thea.
“Did he know about this?”, tanong ko sa kanya.
“No, ayaw ni Van at ni Keith”, sabad ni ate Dana na nakikinig pala sa amin.
Napatango na lang ako pero I know for myself na disappointed ako sa dalawa but can I blame them? Nasabihan na kasi nila ako na may tampo sila sa akin dahil hindi ko lang naman daw naikwento sa kanila ang pagsama ni Mico sa akin sa NY at yung outing ay hindi kami nakapag-bonding dahil bantay sarado daw ako ni Mico.
Napatango na lang ako saka pilit na nginitian sila at ilang sandali palang ay nagpatuloy na kami sa celebration namin.
It’s almost ten ng nag-aya silang umuwi dahil may kaniya-kaniya silang maagang training kinabukasan. Papaalis na sana ako sa bar ng bigla kong narinig ang telepono ko.
My heart double its beat ng mabasa ko ang pangalan ng caller ko.

BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Historia CortaStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".