Scene 12

3.7K 43 20
                                    

 

Phoebe’s POV

“So that’s a wrap next meeting will be next week so that we can finalize the up-coming activities that we will have. So the meeting is now adjourned.”

Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko. Baka kasi matraffic pa ako wala pa naman akong kotse dahil akala ko makakasabay ako kina Kuya pero bago ako lumabas ay pinasadahan ko muna si Mico ng tingin. Remembrance lang.

Paglabas ko ay nakita ko si Keith na ngumiti nang makita ako.

“Hey, waiting for someone?”, bati ko sa kanya.

“Yah, I am waiting for the newest member of the music club and that’s you”, nakangiting sabi nya sa akin saka tinulungan akong dalhin ang mga abubot ko.

“Hindi ba kayo gagala ngayon ni Mikee?”, tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

Bago pa nakasagot si Keith ay may nahagip na ang tenga ko.

I thought she is dating Mikee e bakit si Keith na naman ang kasama niya?

 

Baka two-timer girl, alam mo naman galing States.

 

Gawin mo ng three-timer girl dahil kaklase ko yan sa Sociology class ko and she seems to be feeling close with Mico.

 

Aixt bigla akong nairita. Ano bang problema nila sa akin? Kasalanan ko ba kung ang mga kaibigan ng Kuya ko ay ang mga tinitilian nilang mga varsity player. At talagang bongga sila sa pagpaparinig huh.

“Bothered ka ba sa mga pinagsasabi nila?”

“Not really, baka naiinggit lang sila, pansinin nyo kasi sila para hindi na ako ang pag-iinitan nila.”

Natawa na lang si Keith sa sinabi ko.

“Si Mico ang pagsabihan mo”

“Bakit ba kasi kapag varsity naging gwapo?” wala sa sariling sabi ko habang naiisip ko si Mico.

“So you mean gwapo ako?”, natatawang sabi ni Keith.

“Duh as if hindi mo alam”, natatawang sabi ko sa kanya. Eh totoo naman talaga gwapo itong si Keith. Malakas ang dating at idagdag mo pa na siya yung klase ng lalaking madaling ngumiti hindi man kagaya ni Mikee na kakabit na yata sa pangalan ang ngiti ay hindi naman maramot itong si Keith hindi kagaya ni Mico.

Wait! Bakit nasali na naman ang lalaking iyon? And speaking of him ay kailangan ko talaga siyang makausap tungkol sa guardian issue naming dalawa.

“Keith una na ako sa iyo huh”, paalam ko kay Keith. I decided bago ko kausapin ang masungit na iyon ay si Kuya muna ang kakausapin ko.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon