Scene 38

1.6K 30 13
                                    

 

Phoebe’s POV

Sana nakinig na lang ako sa kanta ni Justin Bieber na “Never say never”. Parang kailan lang ay ang tibay ng panindigan ko na hinding-hindi talaga ako babalik ng Pilipinas pero gumuho ito when I received a call.

Flashback

“Miss P, if you want something just buzz me in okay”, masiglang sabi sa akin ni Misha that I just responded with a smile.

Hindi ako nagpapatawag sa kanya ng Ma’am since kaedad ko rin naman ang half Pinay – half Ausie na secretary ni Tita Carla.

Free time namin ang mga ganitong panahon kung kailan kapapasa pa lang namin ng mga bagong desinyo and the latest, I designed a dozen of teen wear.

Kaya nakapagbakasyon sina Tita Carla at naiwan kaming dalawa ni Misha which we have a lots of free time kaya heto ako ngayon nakatutok na naman sa isang passion ko, ang painting.

I was in the middle of my second painting for the day when the intercom beside me sounded.

“Miss P, there’s someone in the line for you”, sabi ni Misha.

“Kindly check if that is really for me”, nasabi  ko kay Misha dahil I never had a chance na may tumawag na ako ang hinahanap dahil si Tita Carla talaga ang nakikipag-usap sa mga clients and as far as the costumers of this clothing line concern wala silang kilalang Phoebe because I use a pen name. Tisay, I use that one even in my paintings.

“Miss P, it’s really for you. He told me to connect the line to Phoebe Athena Zy Howard”, napasikdo ang dibdib ko ng marinig ko ang buong pangalan ko na kahit ni minsan ay hindi pa nababanggit dito sa California.

“Okay connect him in” and with my hands shaking, I slowly picked up the phone.

“He- ahmmmm hello who’s this?”, kailangan ko pa talagang tumikhim para hindi ako mautal sa pagsagot habang ang dibdib ko ay parang tinatambol sa lakas ng kabog nito.

“Aren’t you missing me my sister?”, muntik na akong mapahiyaw ng makilala ko ang boses ni Kuya Kirk. Nakahinga ako ng maluwag but I can’t ignore na tila nadis-appoint ako.

“Kuya? Is that really you?”, excited ko na bulalas.

“Why are you expecting someone?”, may himig na panunudyo na sabi ni Kuya.

“I just didn’t expect you. How come you know my number and my location right now?”, nagtataka kong tanong kay Kuya na piniling iignora ang panunudyo niya.

“I knew all along Phoebe and I have my connections para mabantayan kita kahit na pinipilit mo kaming kalimutan”, I feel guilty sa sinabi ni Kuya.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon