Scene 30

2.2K 30 13
                                    

 

Phoebe’s POV

 

“But Sir according sa information  na nabasa ko about you ay single ka pa po”, aixt stalker talaga ang babaeng ito. Kaya pasimple kong binawi ang kamay ko na hawak hawak niya.

“Hindi ka ba pamilyar sa secret marriage?”, masungit na sabi ni Mico saka kinuha pabalik ang kamay ko.

At ayon na naman ang hobby niya. Pinaglalaruan na naman niya ang mga daliri ko.

“Can’t you see this ring? This is our wedding ring. ”, anong pinagsasabi nitong si Mico eh kay Mama ‘tong singsing nito?

“Sorry po”, hinging paumanhin ng tila napahiyang stewardess.

“Okay you can leave us now. E-enjoy pa namin ni Half KO ang first flight namin together”, sabi ni Mico na umisog pa talaga papalapit sa akin.

Kulang na lang talaga ay lumuwa ang mata ko sa gulat sa pinagsasabi ni MIco ngayon.

“And by the way huwag mo ng e-kwento ang nalaman mo. Gusto kasi nitong half ko ng low profile”, sabi ni Mico na ikinangiti ng babae saka marahang tumango at tuluyan ng lumayo.

“Ano yun?”, kunwari ay nagsusungit ako sa kanya pero sa totoo lang ang saya ko.

“Iyon? Babaeng stewardess”, painosente niyang sagot habang pinagpatuloy ang paglalaro sa mga daliri ko.

“Aixt hindi…”, pagmamaktol ko.

“Iyong pinagsasabi mo kanina. Nakakahiya. May nalalaman ka pang half ko. Ano yun medyo hilaw kaya half cook?”

“Patawa naman ‘tong si half ko. Half ko it means na hindi ako magiging kumpleto kong wala ka kasi ikaw ang nagpapakumpleto sa akin”, literal akong napanganga sa sinabi niya.

Sino ba ang kinuha niyang tutor sa ka-cornihan at ng madispatsa pero sa totoo lang kinikilig ako pero hindi pwedeng kiligin ng husto dahil apat na buwan nya akong tiniis.

“Tumigil ka nga dyan sa ka-cornihan mo”, kunway asar na sabi ko sa kanya saka lumayo sa kanya ng konti pero hindi ko pa rin mahigit ang kamay ko na hawak-hawak pa rin niya.

“Stay still Paz, I just want to hold you please”, tila pagod na sabi ni Mico at ng lingunin ko ay nakita ko siyang nakapikit.

Bakit hindi ko siya matiis?, inis kong sabi sa sarili ko at saka kinuha ang head pillow ko saka nilagay sa ulo niya.

“Ang sweet talaga ng half ko”, sabi nya habang nakapikit at nakangiti.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon