Sorry po, tinapos ko lang ang Pasko
Merry Christmas po sa inyong lahat.
Chapter Seven (part two)
"Dad, sabi po ni Cassey may sasabihin po kayong importante sa akin, ano po ba iyon?" tanong ni Zabby sa ama.
"Oh honey long explanation. You have to go back here, wag kang mag-alala everything is ready na naman, your flight is on Sunday." pormal sa sabi ni Mr. Garner Lauchengco.
"Dad, why so sudden?"
"Wag ka na muna magtanung pa anak, uuwi kayong dalawa ni Cassey sa linggo, hihintayin namin kayo kasama ng mga magulang niya, goodbye. I love you baby girl" masuyong sabi ng ama.
Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin nag sisink in sa kanya ang sinabi ng ama, ngunit may kutob si Zabby na may kinalaman sa kanya ang lahat. As in lahat.
"Alam mo ba ang tungkol dito?" tanong ni Zabby ng pumasok sa kumedor si Cassey.
"Yes and no. Oo alam ko na gusto ng daddy mo na bumalik na tayo sa Pilipinas, pero hindi ko alam kung bakit." maliwanag na paliwanag ng kanyang bestfriend.
"I see, gusto mo na bang umuwi?"
"Oo at hindi din. Parang kasing itong pag-uwi natin na ito ay ang malaking pagbababgo sa buhay mo eh" sagot ni Zabby.
"Ang lalim niyan Cassey ah!" natatawa na nga lang niyang tugon. Ngunit sa isang banda, ganoon din ang kanyang nararamdaman.
"At saka paano kung magkita kayo ulit ni papa Galther?" nanunuksong sabi ni Cassey sa kanya.
"Do not even go there, my friend. Walong taon na din ang nagdaan, wala na sa akin dapat yon diba?"
"Ask yourself again bestie. Seriously, I do not think that you are 100% ready. Sa tingin ko ung pananaw mo lang sa buhay ang nagbago, like your maturity pero the rest ikaw pa rin si Zabby na tinatawag nilang nerdy noon.You are still the Zabby 8 years ago, wearing eyeglassess and decent dresses!"
Iyong paliwanag na iyon ni Cassey ang nagpamulat kay Zabby na wala nga talaga siyang ipinagbago, naging mature naman siya pero hindi pa rin siyang ganoong kagaling manamit o pumorma, kulang pa din siya sa confidence.
"Alam ko naman yan Cassey, and tama ka pero hindi ko muna kailangan ang mga ganoong bagay, ang importante, Masaya ako"
"I guess you are right, maganda ka pa din naman kahit may suot kang salamin at pang 70's yang outfit mo minsan" may pagkasarkastikong sabi ni Cassey.
"Oo nga pala, paano na ang hot na si Jalton, alam mo nakakaingit ka na! Biruin mo he is madly inlove with you, siya yung tipo ng lalaki na will accept you just the way you are" pag iiba ni Cassey sa usapan.
Tama si Cassey, Jalton never leave my side, siya lang ang tanging lalaking minahal ako sa kabila ng kabaduyan ko, he is the totyal opposite of Galther. Ang similarities lang nila ay ang kanilang mga physical attributes. Pareho silang matangkad, irrefutably gorgeous and a type of boy that women would die for, their levels of sex appeal are bot
h oozing with confidence. Jalton Aquino is a sought after Bachelor of the State! Bawat babae at hahangaring maikama ang isang katulad niya, maraming babae din ang naiingit sa posisyon ko kaya kung anu-anong ghastly rumors na ang kanilang ipinagkakalat. Nagtagumpay naman sila, sumuko na ako.
Naalala ko pa kung paano ko tinuldukan ang kung anumang mayroon kami....
" I am sorry Jalton. Pagod na ako sa set- up natin; everybody thinks that this is a total pretension"
which is partly true....Sabi ni Zabby kay Jalton.
"Bakit ka na sumusuko? Mahal kita Zabby, alam mo iyan" nararamdaman ni Zabby na kahit anumang oras ay iiyak na ito.
"Walang alam ang parents ko about dito Jalton, magagalit sila. Kailangan ko ng tapusin bago pa nila malaman. At saka, iyong pagmamahal na nararamdaman mo ay pagmamahal lang ng isang kaibigan iyon. Iba ang sinasabi ng utak mo sa puso mo Jalton." tila natahimik naman si Jalton sa kanyang mga sinabi.
" Alam kong alam mo na hindi magiging problema ang daddy mo, hindi pa rin sapat ang reason mo Zabby. Isa akong Aquino, nasa iisang field lang ang business natin.
" Hindi kita deserve, tignan mo nga ang sarili mo at ang itsura ko. A doctor with oozing sex appeal. At ako? No one bother to look at me for the second time, wala ngang nakakaalam na anak ako ng isang Garner Lauchenco" sagot ni Zabby.
"I am willing to give up medicine for architecture" naguguluhan na sia Zabby. Imbis na makatulong ang alibi niya ay lalo pa atang lumala, akala ni Jalton na ang pagiging doktor niya ang dahilan.
"Wag na wag mong gagawin yon! You have this passion on helping people and I aodre you for that, do not sacrifice the thing you want just for this relationship, believe me... it is not owrth it." malungkot ang tinig ni Zabby.
"Wala na talaga akong magagawa, buo na ata ang desisyon mo. Pero tandaan mo na hinding hindi kita makakalimutan, bibigyan muna kita ng space. I will wait for you." madamdaming saad ni Jalton.
"No, go on with your life. Date other girls, wag mong i stuck yung sarili mo sa bagay na wlang kasiguraduhan." nais na ni Zabby na tapusin ang usapan nilang iyon ni Jalton.
Inaamin ni Zabby sa sarili na mali siya una palang na tanggapin niya ang panliligaw ni Jalton sa kanya. Pero na overwhelmed siya dahil kahit ganoon siya ay may taong magmamahal sa kanya ng totoo. Akala niya nga nung una, nakikipaglaro lang si jalton sa kanya, pero nagkamali siya, minahal siya nito pero may kulang pa rin siyang nararamdaman.
Masisis niya ba ang sarili kung hanggang ngayon ay madly inlove pa rin siya kay Galther? Pagkatapos ng pagpapahiyang ginawa niya kay Zabby, ang pag deny niya at pag lait niya dito. Mali bang pinili pa rin niya ang isang anghel na katulad ni Jalton over a one handsome tempting evil na si Galther?
COMMENT
VOTE
or
BECOME A FAN
try ko pong update bukas
loveromanceisigningout:))
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
RomancePaano kung ang lalaking labis mong minahal at labis na nakakit ng iyong damdamin noong kayo ay nasa higschool pa lang ang maging asawa mo sa kasalukuyan? Ngunit bakit ganun, sa tuwing tumitingin ka sa kanyang mga mata; galit at pagkasuklam ang...